Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next 'Marian Rivera' | Bandera

Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

Ervin Santiago |November 17,2021
facebook
share this

Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

Ervin Santiago - November 17, 2021 - 04:13 PM

Jillian Ward

“SANA all!” Yan ang nagkakaisang komento ng mga fans at social media followers ng Kapuso teen star na si Jillian Ward.

Sino ba naman ang hindi mapapa-wow sa latest post ng dating child star sa kanyang Instagram account kung saan niya ibinandera ang bago niyang “baby.”

No, hindi po nanganak ang young actress dahil alam naman nating lahat na batang-bata pa siya. Ang tinutukoy namin ay ang bago niyang niyang BMW car.

Yes, sa edad 16 ay isa na siyang proud owner ng isang mamahaling sasakyan kaya naman puring-puri siya ng kanyang mga supporters na nagsabing mas lalo silang na-inspire na magsumikap sa buhay.

Ibinandera ng “Prima Donnas” star sa Instagram ang kanyang litrato suot ang kanyang little black dress with matching knee-high socks habang nakatayo sa harapan ng kanyang bonggang ride.

Aniya sa caption, “My new baby car.” Nilagyan pa niya ito ng black heart emoji.

Habang sinusulat namin ito, umabot na sa 145,000 likes ang IG post ni Jillian about her new car at karamihan sa mga nagkomento ay napansin din ang kaseksihan ng dalagita.

Marami ang nagsabi na pwede na talagang i-launch ang young actress bilang next important star ng GMA na maaaring susunod na Kapuso Drama Princess.

View this post on Instagram

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng kanyang mga IG followers.

Comment ni @sarahnela, “Ang sexy! Congrats, Jill! i’m so proud of you!”

Sabi ni @rodinejxde, “Saan po pwede mag-apply as driver?”

“Congrats, love. I’m so proud of you. u look absolutely stunning with that dress,” sey naman ni @lemarbel.

Ito naman ang sabi ni @jiwillshippers_ofc, “Congrats jilly girl!!! Ride na kayo ni willyboy. @willashley17.”

Komento ni @lhibra_shyetti82, “Mas sexy eto ky Ivana., mala manyika ang katawan… prng ginuhit tlga. Ka hot!”

Ayon naman kay @emilygarcia_24, “NEXT MARIAN RIVERA!”

Samantala, bukod sa bago niyang BMW, may dalawa pang sasakyan sina Jillian, ang kanilang Ford pickup truck at black taping van na pina-customize pa niya with all-pink Hello-Kitty-themed interiors. 

Sa isang panayam ng GMA sa nanay ni Jillian na si Mommy Jenny, talagang bata pa lang ang anak ay inayos na nila ang finances nito. Inilagay nila ang lahat ng kinita ng youngstar sa tamang savings at investments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I put the money in the bank ‘tapos she has her own account na hindi ko ginagalaw,” aniya pa.

Frankie, Jillian suportado ang mga magulang sa pagtakbo sa 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending