Jillian Ward ready na sa mature roles: Gusto kong ma-try maging mermaid | Bandera

Jillian Ward ready na sa mature roles: Gusto kong ma-try maging mermaid

Therese Arceo |March 04,2022
facebook
share this

Jillian Ward ready na sa mature roles: Gusto kong ma-try maging mermaid

Therese Arceo - March 04, 2022 - 12:38 PM

MARAMI ang namangha sa mga larawan mula sa birthday photoshoot ng Kapuso young actress na si Jillian Ward na nag-celebrate ng kanyang ika-17th birthday noong February 23.

Ayon sa interview ng batang aktres sa 24 Oras, labis raw na naging espesyal ang kanyang birthday dahil sa mga taong nagmamahal sa kanya na nag-effort para i-surprise siya sa kanyang mahalagang araw. May pa-billboard pa nga siya kung saan nabansagan siyang “GMA Teen Queen”.

“Nagsanib pwersa po sila para meron pong billboard, tapos meron pong cards ng surprise, tapos yung setup po noong mismong birthday ko, may mga cakes, so sobrang sweet po talaga,” saad ni Jillian.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

 

Bukod rito, nag-trending rin ang Kapuso star sa Twitter bilang pagpapakita ng love and support ng mga netizens na humahanga sa kanya.

Ayon pa kay Jillian , isa raw ang photoshoot sa mga nais niyang gawin bago siya tumuntong sa legal age at para na rin ipahatid sa madlang pipol na dalaga na siya at hindi na siya ang “Trudis Liit” noon na talaga namang kinagiliwan ng mga manonood.

Naikwento rin ng Kapuso star na ngayon nga ay handa na siyang tumanggap ng mga mas seryosong roles gaya na lang ng kanyang karakter sa bilang si Donna Marie’ o ‘Mayi’ sa book 2 ng teleseryeng “Prima Donnas”.

“Mas may lalim na po ‘yung trabahong ginagawa ko sa mga roles ko po, mas nabibigyan ng lalim. And mas may understanding na rin po talaga kasi mahilig po akong mag-research, mahilig po akong magbasa,” pagbabahagi ni Jillian.

Aniya, isa rin sa mga gusto niyang subukang projects ay fantasy shows or movies dahil nais talaga niyang masubukan ang maging sirena.

“Gusto ko po talaga i-try na mag-mermaid, ‘yung mga fantasy shows, movies,” sey ni Jillian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, bukod sa pag-arte, goal ng batang aktres na mag-invest sa mga negosyo at properties para may magandang kapuntahan ang kanyang pag-aartista.

 

Related Chika:
Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’
Albert umaming balak na sanang magretiro sa showbiz; Jillian busy sa pag-aayos ng bahay sa probinsya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending