Albert umaming balak na sanang magretiro sa showbiz; Jillian busy sa pag-aayos ng bahay sa probinsya | Bandera

Albert umaming balak na sanang magretiro sa showbiz; Jillian busy sa pag-aayos ng bahay sa probinsya

Ervin Santiago |March 24,2021
facebook
share this

Albert umaming balak na sanang magretiro sa showbiz; Jillian busy sa pag-aayos ng bahay sa probinsya

Ervin Santiago - March 24, 2021 - 09:37 AM

VERY soon ay mapapanood na uli ang batikang aktor na si Albert Martinez sa GMA 7 makalipas ang maraming taon.

Marami na ang nag-aabang sa award-winning veteran actor sa upcoming Kapuso afternoon drama series na “Las Hermanas.”

Bago sumabak si Albert sa lock-in taping para sa nasabing show, nakapanayam muna siya ni Pia Arcangel para sa “Tunay na Buhay.”

Ngayong Miyerkules (March 23), ibabahagi ng nagbabalik-Kapusong aktor ang kuwento sa likod ng kanyang “change of heart” sa balak niya noong pagreretiro sa mundo ng showbiz.

Sinabi ni Albert na naisip na niya talagang huwag nang bumalik sa pag-aartista noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

“It crossed my mind kasi nga three months akong nasa bahay lang, I was with my dad and ‘yung anak ko. Napag-isipan ko rin na i-enjoy ko na lang siguro yung ganitong buhay.

“I was telling my manager, maybe this is the right time for me to retire, because I’ve accomplished what I wanted, mga goals ko nakuha ko na rin.

“And I want to start something different outside showbusiness. But sabi niya sa akin, ‘Hindi pa time to retire as long as there is the offer and demand, you’re there,’” pahayag ng aktor.

Sa loob nga ng mahigit apat na dekada, ipinamalas ni Albert ang kanyang husay sa pag-arte—mapadrama, action, o daring roles.

Sa dami ng kanyang naging proyekto, tila mayroon nang beautiful collection of first-rate leading ladies si Albert.

Ang tanong, ilan kayang leading ladies ang kaya niyang pangalanan sa loob ng dalawang minuto? Maging ang hilig niya sa off-roading, ibabahagi niya rin sa programa.

Samahan si Pia na alamin ang kuwento ng buhay ni Albert Martinez sa “Tunay na Buhay” ngayong  Miyerkules, 11:30 p.m. sa GMA.

* * *

Matapos ang tagumpay ng GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas”, pinagtutuunan ngayon ng atensyon ng teen actress na si Jillian Ward ang pag-aayos ng kanilang second home sa Pampanga.

Sa Instagram, nagbigay siya ng latest update sa mga pinamiling appliances para sa kanilang tahanan sa province.

Kamakailan lang ay nai-tour rin niya ang mga fans sa bagong bahay na ito sa isang vlog sa kaniyang YouTube channel.

Dito, ipinakita ni Jillian ang kanyang magiging kuwarto, “My room is really lit because I don’t like it very dark.

“Maybe I can place a sheer curtain here but my mom wants blinds. But I don’t want blinds. I also wanted to paint my ceiling with a sky or maybe some of Van Gogh’s paintings in there,” chika ng dalagita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abang na abang na rin ang kanyang fans sa inaasahang book two ng top-rating GMA Afternoon Prime series nilang “Prima Donnas.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending