Maris super thankful, ‘Sunshine’ ilalaban sa Germany

Maris thankful sa bagong nominasyon ng ‘Sunshine’, ilalaban sa Germany

Pauline del Rosario - January 24, 2025 - 02:32 PM

Maris thankful sa bagong nominasyon ng ‘Sunshine’, ilalaban sa Germany

PHOTO: Instagram/@mariestellar

MATAPOS sa Australia, nominado muli ang pelikula ni Maris Racal na “Sunshine.”

Sa pagkakataon naman ito ay sa 75th Berlin International Film Festival o Berlinale na gaganapin sa Germany sa darating na February 13 to 23.

Ang pelikula ay ilalaban sa ilalim ng Generation 14plus category kung saan kasali rin ang pelikula mula sa iba’t-ibang bansa.

Kabilang na ang “Barbed Wire” ng Brazil; “Christy” ng United Kingdom at Ireland; “Our Wildest Days” na gawa ng Greece at France; “Paternal Leave” mula Germany at Italy; “Playtime” from Brazil; “Sandbag Dam” ng Croatia, Lithuania at Slovenia; Brazil, “Sunset over America” mula Chile at Colombia; “The Tale of Daye’s Family” from Egypt; “Têtes Brûlées” ng Belgium;  “Village Rockstars 2” mula India at Singapore; at “Wrong Husband” na entry ng Canada.

Baka Bet Mo: Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess

Sa Instagram, lubos ang pasasalamat ng aktres dahil napili ang kanyang movie upang ma-showcase sa isang prestihiyosong film fest.

“Bringing Sunshine to Berlinale 2025,” bungad niya sa caption, kalakip ang ilang behind-the-scene photos ng kanyang eksena sa pelikula.

Pahayag pa niya, “Grateful for this incredible journey and the chance to share our story on such a prestigious stage. ‘Sunshine’ is set to make its European premiere under the Generation 14plus Competition.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Ang pelikula ni Maris ay umiikot sa istorya ng isang babaeng gymnast na may pinaghahandaang Olympic competition.

Pero sa kasamaang palad ay bigla siyang nabuntis bago ang nakatakdang tryouts para sa national team.

Dahil diyan, gagawa siya ng mga paraan upang malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan pa sa mga tampok sa pelikula ay sina Annika Co, Jennica Garcia, Elijah Canlas, Meryll Soriano at Xyriel Manabat.

Nauna nang sinabi ni Direk Jadaone na isusumite na muna nila sa iba’t-ibang international film festivals ang “Sunshine” bago ipalabas dito sa ating bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending