Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess Bandera

Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess

Ervin Santiago May 29, 2022 - 09:16 AM

Heart Evangelista

HASHTAG #IkawNa talaga Heart Evangelista ang ultimate Filipino fashion icon ng bagong henerasyon!

Hot topic at trending na naman sa social media ang Kapuso actress nang rumampa nang bonggang-bongga sa 75th Cannes Film Festival na ginanap sa France.

Muling nang-agaw ng eksena ang misis ni Sen. Chiz Escudero nang um-attend sa screening ng pelikulang “Un petit frere” (Mother and Son).

Ang “Petit Frere” ay bahagi ng official competition ng Cannes na nagsimula noong May 17 at natapos kahapon, May 28.

Talagang pinag-usapan at pinuri ng mga dumalo sa event, kabilang na ang mga kapwa celebrities ang suot na powder blue gown with a giant, billow skirt ni Heart

Nagmukhang Disney Princess nga ang Kapuso star sa kanyang pasabog na OOTD sa nasabing international film festival kaya naman sandamakmak na likes, comments at shares ang mga litrato niya sa socmed.

Sa isa nga niyang photo, tila sinakop na niya ang halos kalahati ng lugar kung saan siya nag-pictorial at kinunan ng mga invited press and vloggers.

Nauna rito, rumampa rin si Heart sa isang red carpet event ng Cannes Film Festival 2022 suot ang isa pa niyang pasabog na ball gown na dinisenyo ng Lebanese-Italian fashion designer na si Tony Ward, with jewelry by Matara Studio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


At dahil nga sa mga paandar na OOTD ng aktres at fashion icon, napasama siya sa listahan ng mga best dressed celebrities na inilabas ng mga international magazines tulad ng Elle France, Vogue Brazil, Harper’s Bazaar, at W Magazine.

Sa isang IG post pa ng aktres, nabanggit nito na first time niyang dumalo sa event ng Cannes kaya naman tuwang-tuwa siya sa mga bagong experience niya roon, “Good morning everybody from Manila. I am in Cannes. It is my first time so I’m gonna make this day a great day.

“It’s just so much fun, so much art, so many nice stores, and the people are just alive and kicking. I am just having such an amazing time. This was indeed such an experience and there’s just so much more that’s going to be happening. So I’m glad I could take you guys with me,” ani Heart.

Kaaliw din ang Instagram post ni Heart kung saan nagpakuha rin siya sa isang beach suot ang kanyang sky blue gown at napapalibutan ng mga turista sa lugar.

Bukod sa Cannes Film Festival, um-attend din si Heart sa gala event para sa AmFAR, isang “non-profit organization that aims to help in AIDS research.”

Dito, rumampa naman ang aktres suot ang kanyang fringe dress with a matching pink purse.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey engaged na raw, nabuking sa suot na bonggang diamond ring?

Miss Bahrain hindi nag-bikini sa swimsuit presentation ng Miss U; Miss France winner na rin matapos gumaling sa COVID

Rabiya nag-sorry matapos rumampa sa National Costume competition ng Miss U: I even cut my finger…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending