Luis hindi selosong dyowa, kinilig sa tambalan nina Jessy at Jericho
TALAGANG secured na ang relasyon nina Jessy Mediola at Luis Manzano bago pa man sila magdesisyong magpakasal.
Halos limang taon rin muna itong naging magdyowa bago nag-propose si Luis kay Hessy noong December 2020 at tuluyan na ngang nagpakasal noong April 2021.
Ayon sa actress-vlogger, hindi raw seloso si Luis at never itong nagselos sa mga nakakaeksena o nagiging leading man nito sa mga teleserye o pelikula noong aktibo pa siya sa showbiz.
“No wala siyang ganu’n. Actually, kaibigan na niya halos lahat ng naging leading man ko.”
Amin pa ni Jessy, kinilig raw si Luis nang panoorin nito ang isa sa kanyang mga pelikula na “Girl in Orange Dress” kung saan naktambal niya si Jericho Rosales.
“Noong ‘Girl in a Orange Dress’ nga kinilig siya sa amin ni Echo (Jericho Rosales).
“Sabi niya, ‘Love, alam mo kinikilig ako sa inyo!’ Sinabi niya ‘yun, e. Tapos ilang beses pa niya pinanood ‘yung movie.”
Nilinaw rin ni Jessy ang balitang si Luis ang dahilan kung bakit ayaw na niyang pumayag na magkipaghalikan sa mga teleserye at pelikula dahil pinagbabawalan siya ng dyowa.
View this post on Instagram
Aniya, ito raw ay sarili niyang desisyon lalo na nang mabalitaan niya ang tungkol sa nakakahawang virus na COVID-19.
“Nu’ng nag-Sandugo (2019 teleserye sa ABS-CBN) ako, nag-stop na ako mag-kissing scenes. Okay lang na may sexy scenes or love scenes, it’s okay, it’s part of it.
“But yung kissing scenes lang talaga parang for me kasi, nung nabalitaan ko yung COVID, ano kasi I’m very praning. I’m paranoid. So medyo may pagka-hypochondriac ako.
“Kapag may nababalitaan akong ganu’n or kunwari may isang bagay na gagawin ko after, iisipin ko siya ng iisipin. So para sa akin para iwas stress at iisipin, nagsabi na ako, naging honest ako na I prefer not to do kissing scenes.”
Related Chika:
Jessy kay Luis: Kahit mawala lahat, aalagaan kita…kahit tuyo pa ang kainin natin everyday
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.