Jessy kay Luis: Kahit mawala lahat, aalagaan kita...kahit tuyo pa ang kainin natin everyday Bandera

Jessy kay Luis: Kahit mawala lahat, aalagaan kita…kahit tuyo pa ang kainin natin everyday

Ervin Santiago |November 29,2021
share this

Jessy kay Luis: Kahit mawala lahat, aalagaan kita…kahit tuyo pa ang kainin natin everyday

Ervin Santiago November 29, 2021 - 07:34 AM

Jessy Mendiola at Luis Manzano

NAPAKARAMING nagbago sa buhay at career ni Jessy Mendiola nang maging asawa na niya ang TV host-actor na si Luis Manzano.

Ayon sa aktres, mas kuntento, mas happy at peaceful ang life niya ngayon dahil medyo nabawasan na ang toxic at kanegahang dulot ng social media at showbiz.

Isa nga sa mga napansin ni Jessy ay ang pagbabago sa kanyang fashion sense, “Dati I never wore pink But now my bag is pink. I’m wearing pink. Parang nasabi ko, ‘Parang naging mas maarte ako.’ Ha-hahahaha! 

“But I think it comes with maturity. I used to boyish kasi. I used to wear rubber shoes lang and there’s nothing bad dun di ba? 

“I have nothing against it. Lagi lang ako naka-T-shirt at jeans. But then as you grow older nagkakaroon ng maturity,” aniya pa.

At ganito rin daw ang nangyayari kay Luis, mula raw nang ikasal sila hindi na masyadong nai-stress ang TV host dahil sa dami ng kanyang iniisip at pinoproblema.

“Mas naging relaxed siya. When Lu and I broke up, parang siyang nagmamadali. Nagmamadali siya in life, sa trabaho, sa businesses, parang hindi siya maka-slow down. It’s more of wala na siyang time for himself. 

“Wala na siyang time magpahinga. Kaya rin siya medyo na-stress nu’n  kasi sabay-sabay yung pandemic at ABS-CBN closure. So lagi siyang nagmamadali. Marami siyang ginagawa,” pahayag ni Jessy sa isang interview.


Aniya pa, “Tapos finally when we got married I told him, ‘Alam mo, love, you have to slow down. You’re not getting any younger. You have to take care of your health.

“‘You have to prioritize what you want for yourself. You’re okay na eh. And kahit pa mawala lahat yan huwag kang mag-alala, aalagaan kita.’ Sabi ko, ‘Kahit pa tuyo ang kainin natin everyday, basta uminom lang tayo ng maraming tubig, gagawin ko lahat para sa ‘yo.’ 

“Sabi ko siguro nakapag-iipon din naman ako ng konti para mabuhay tayo ng simple, ganu’n. So yun yung nag-change sa kanya. 

“Na-relax na siya. Na finally, ‘I have someone na if when all else fails, she’s got my back.’ So yun yung lagi kong pinapaalala ko sa kanya. pag nawala lahat don’t worry,” pahayag pa ni Jessy.

Samantala, nilinaw naman ng aktres ang balitang ayaw na niyang makipaghalikan sa teleserye at pelikula dahil pinagbawalan na raw siya ni Luis.

“Nu’ng nag-Sandugo (2019 teleserye sa ABS-CBN) ako, nag-stop na ako mag-kissing scenes. Okay lang na may sexy scenes or love scenes, it’s okay, it’s part of it. 

“But yung kissing scenes lang talaga parang for me kasi, nung nabalitaan ko yung COVID, ano kasi I’m very praning. I’m paranoid. So medyo may pagka-hypochondriac ako. 

“Kapag may nababalitaan akong ganu’n or kunwari may isang bagay na gagawin ko after, iisipin ko siya ng iisipin. So para sa akin para iwas stress at iisipin, nagsabi na ako, naging honest ako na I prefer not to do kissing scenes,” paglilinaw ni Jessy sa isang virtual mediacon para sa bago niyang endorsement.

Hindi rin daw totoo na nagseselos si Luis kapag may intimate scenes siya sa kanyang mga leading man, “No wala siyang ganu’n. Actually kaibigan na niya halos lahat ng naging leading man ko. 

“So para wala naman siyang problema sa ganun. Nu’ng ‘Girl in a Orange Dress’ nga kinilig siya sa amin ni Echo (Jericho Rosales). Sabi niya, ‘Love, alam mo kinikilig ako sa inyo!’ Sinabi niya yun eh. Tapos ilang beses pa niya pinanuod yung movie,” kuwento pa ng misis ni Luis.

Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending