True ba, Claudine ilang beses daw nakipagbalikan kay Raymart?

True ba, Claudine ilang beses daw nagtangkang makipagbalikan kay Raymart?

Ervin Santiago |January 16,2024
facebook
share this

True ba, Claudine ilang beses daw nagtangkang makipagbalikan kay Raymart?

Ervin Santiago - January 16, 2024 - 07:07 AM

True ba, Claudine ilang beses daw nagtangkang makipagbalikan kay Raymart?

Claudine Barretto at Raymart Santiago

NAKAKALOKA ang mga bagong rebelasyon tungkol sa estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

May isyu kasi na hindi pa rin umano nakaka-move on hanggang ngayon ang Kapuso actress sa nakahiwalay niyang asawa.

Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit until now ay wala pa ring nagiging bagong karelasyon si Claudine. Tila umaasa pa rin ang aktres na magkakaroon pa sila ni Raymart ng second chance.

Sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na”, nabanggit ng veteran showbiz columnist at radio-online host na si Cristy Fermin ang chika tungkol sa nagkahiwalay na celebrity couple.

May nakapagsabi raw kay Nanay Cristy na ilang beses daw nagtangka si Claudine na makipagbalikan kay Raymart.

“Mayroon pong lumulutang ngayon na isyu. Ito talaga, kinilabutan ako noong marinig ko ito.

Baka Bet Mo: Claudine kay Raymart: Mga anak na natin ang tinitira at sinasaktan mo

“Na kaya raw po nagkakaganito si Claudine Barretto ay tatlo hanggang mahigit na beses siyang nagparamdam kay Raymart na magkabalikan na sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero hindi tinanggap ni Raymart ang kaniyang suggestion,” ang pahayag ni Nanay Cristy.

Tinanong naman ng premyadong TV host ang kasama niya sa show na si Romel Chika kung naniniwala ito sa nasabing balita.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto sa annulment nila ni Raymart Santiago: Siya na ang pinag-file ko

“Parang si Claudine parang hindi siya nakakamove-on. (Si Raymart) nakasulong saka nakita mo maayos ang takbo ng buhay, ang karera. Pero si Claudine kasi nawala,” sagot ng host at stand-up comedian.

Para naman sa isa pang co-host ni Nanay Cristy na si Wendell Alvarez, feeling niya ginawa lamang ni Claudine kung ano ang makabubuti sa mga anak nila ni Raymart kaya nag-try ito umanong makipagbalikan sa dating asawa.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Claudine hinggil sa isyung ito.

Nitong nakaraang linggo, naging kontrobersyal uli si Claudine nang magdetalye tungkol sa mga pinagdaanan niya sa kanyang personal na buhay.

Isa na nga rito ang pagsasalita muli ng aktres sa mga kakulangan ni Raymart bilang tatay. Bukod dito, sinisingil din niya ang aktor sa perang kinuha umano nito sa kanyang savings account na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod nito, umalma ang kampo ni Raymart sa pamamagitan ng official statement ng kanyang abogado. Ipinaalala nito ang gag order na iniutos ng korte hinggil sa mga kinakaharap nilang kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending