Jericho maraming tinanggihang pelikula nang maghiwalay sila ni Kim
MATAPOS makumpirmang hiwalay na si Jericho Rosales kay Kim Jones, may nakausap kaming direktor at producer na nagsabing maraming pelikulang tinanggihan ng aktor.
Ito raw yung mga projects na pinitch nila sa noong 2020 hanggang 2021.
Kung hindi kami nagkakamali ay nasa apat na pelikula ang nabanggit sa amin kaya nanghinayang sila pero naintindihan naman nila ang sitwasyon ni Echo sa mga panahong iyon.
“Maayos namang nagsabi si Jericho that time, sabi lang niya, ‘direk pasensya na, may dinadaanan lang ako baka hindi ko magawa nang maayos,” kuwento ng direktor sa amin.
Baka Bet Mo: Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?
Oo nga tanda namin ay lie low si Jericho ng mga panahong iyon na naisip ng iba na dahil sa COVID pero nakita namang madalas nasa ibang bansa ang aktor kasama noon ang ex-wife na si Kim.
View this post on Instagram
“Siyempre hindi naman namin matanong kasi hindi naman nag-open kung ano. Actually, ang inisip namin noon dahil bawal sarado lahat kaya iyon ang naisip pero kasi eventually unti-unting nagbukas naman sa pelikula,” sabi pa ng kausap naming direktor.
Baka Bet Mo: Heart, Jericho muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project, please!
May producer din kaming nakausap na nanghihinayang siya sa nangyari sa mag-asawang Echo at Kim dahil almost perfect sila pagdating sa work kasi nga raw ang huli ay nagsusulat ng script at nakakadirek samantalang ang aktor ay nagpo-produce.
But since maganda ang paghihiwalay ng mag-asawa kaya posibleng marami silang projects na pagsasamahan pa.
Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nina Echo at Kim sa ibinalita ng kanilang ninong sa kasal na si Ginoong Ricco Ocampo na hiwalay na sila noon pang 2019.
Nananatiling bukas ang BANDERA sa panig ng ex-couple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.