JM de Guzman nagparinig kay Donnalyn Bartolome: 'Tagal ko nang nanliligaw... baka naman!?' | Bandera

JM de Guzman nagparinig kay Donnalyn Bartolome: ‘Tagal ko nang nanliligaw… baka naman!?’

Ervin Santiago |October 05,2023
facebook
share this

JM de Guzman nagparinig kay Donnalyn Bartolome: ‘Tagal ko nang nanliligaw… baka naman!?’

Ervin Santiago - October 05, 2023 - 07:12 AM

JM de Guzman nagparinig kay Donnalyn Bartolome: 'Tagal ko nang nanliligaw... baka naman!?'

Donnalyn Bartolome at JM de Guzman

NAALIW ang mga fans ni JM de Guzman sa naging “hugot” nito tungkol sa panliligaw niya sa aktres at content creator na si Donnalyn Bartolome.

Diretsahang sinabi ng Kapamilya actor na hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin niya ang dalaga kaya naman “nagparinig” na siya on national TV.

Sa guesting ni JM sa “Magandang Buhay” kahapon, napag-usapan nga ang tungkol sa status ng kanyang lovelife at dito nga siya natanong tungkol kay Donnalyn.

“Nanliligaw po,” ang one-liner na sagot ng binata nang ma-interview ng kanyang leading lady sa teleseryeng “Linlang” na si Kim Chiu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sundot na tanong kay JM kung kumusta na ang relasyon nila ngayon ni Donnalyn, “Okay naman po.”

Kinulit-kulit pa siya kung nag-“yes” na ba ang aktres at singer sa kanya, “Hindi pa eh. Tagal ko nang nanliligaw. Baka naman?”

Baka Bet Mo: Xian tuloy pa rin ang panliligaw kay Kim kahit 10 years nang magdyowa: Hindi ka dapat mag-relax at makampante

Sa isang interview, sinabi ni JM na “willing to wait” naman siya sa panliligaw kay Donnalyn. Umaasa raw siya na sana’y dumating din yung araw na maibigay na sa kanya ng dalaga ang pinakamimithing matamis na “oo.”

Ilang buwan na rin siyang pumoporma sa singer-vlogger pero sabi ng aktor, hindi naman siya nakakaramdam ng pagkainip.

“Okay naman. Nanliligaw pa rin. Siyempre, kapag may gusto kailangang ipaglaban,” ang pahayag ni JM.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)


Nakangiti pang sabi ng aktor tungkol sa kanyang paghihintay sa sagot ni Donnalyn, “Napapawi ang inip ko kapag nakikita ko siya.”

Inisa-isa rin ni JM ang mga qualities na nagustuhan niya kay Donnalyn, “She’s a very caring person, very sincere. Di ko alam, e, nai-inspire ako sa kanya.”

Samantala, mapapanood na ang “Linlang” worldwide sa Prime streaming app simula sa October 5. Ka-join din dito sina Paulo Avelino, Jake Ejercito, Ruby Ruiz, Maricel Soriano at marami pang iba mula sa direksyon ni FM Reyes and Jojo Saguin.

Seth Fedelin diretsahang tinanong ni Ogie Diaz: Nanliligaw ka ba kay Francine?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shayne Sava niregaluhan ni Abdul Raman ng sapatos na nagkakahalaga ng P30K; umaming may nabago sa itsura, katawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending