Seth Fedelin diretsahang tinanong ni Ogie Diaz: Nanliligaw ka ba kay Francine? Bandera

Seth Fedelin diretsahang tinanong ni Ogie Diaz: Nanliligaw ka ba kay Francine?

Therese Arceo |January 15,2022
share this

Seth Fedelin diretsahang tinanong ni Ogie Diaz: Nanliligaw ka ba kay Francine?

Therese Arceo January 15, 2022 - 12:43 PM

Seth Fedelin diretsahang tinanong ni Ogie Diaz: Nanliligaw ka ba kay Francine?

WALANG kaabog-abog na tinanong ni Ogie Diaz sa kanyang latest showbiz update vlog kung nanliligaw ba si ang Kapamilya actor na si Seth Fedelin sa kay Francine Diaz.

Si Seth at Francine ay parehas na myembro ng Gold Squad kasama ang kanilang mga ka-love team na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri na nagsimula sa Kapamilya teleserye na “Kadenang Ginto”.

At ngayon nga ay kontroberyal ang Gold Squad members matapos mag-viral ang family picture ni Francine kasama si Seth noong New Year.

Matapos kasing mag-viral ang mga larawan ay namataan ng mga netizens na in-unfollow ni Andrea sa Instagram si Francine.

Nag-follow muli si Andrea kay Francine matapos mapansin ng mga “Marites” ang pag-unfollow na ganap at ilang oras pa lang ang nakakalipas nang biglang parehas na silang naka-unfollow sa isa’t isa.

Sa pag-uusap nga nina Ogie, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ay nagbigay ng sariling opinyon ang talent manager ukol sa isyu.

Feeling niya, wala naman daw talagang namamagitan kina Andrea at Seth at love team lang talaga sila.

Marahil raw ay na-off lamang si Andrea sa mga pangyayari dahil iniingatan nito ang kanilang love team.

“Bilang manager, siguro itong si Andrea medyo na-off kasi baka feeling niya, ‘Sandali, inaalagaan natin yung love team natin e, ako lang ba mag-aalaga? Di ba dapat tayong dalawa? Bakit may FranSeth?’,” pagbabahagi ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)

Maaari rin daw na dumalaw lang si Seth kina Francine dahil magkaibigan sila at na-excite lang ang ina ng aktres kaya naibahagi nito ang kanilang larawan kasama ang aktor.

Chika naman ni Mama Loi, hindi naman daw ito ang unang beses na na-issue sina Serh at Francine sa isa’t isa.

Noon pa man daw ay may kumakalat nang tsismis ukol sa dalawa bago pa man mag-viral ang kanilang New Year photo.

“Seth, nanliligaw ka ba kay Francine kaya ka nasa bahay nila? Na-excite ‘yung nanay kaya ipinost yung picture n’yo,” diretsahang tanong ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)

Dagdag niya, ang mga taong involved lang rin naman ang makakasagot sa kontrobersiyang ito at sila raw ay nagbibigay lamang ng mga konklusyon sa mga isyu.

Sey pa niya, wag na rin daw masyadong gatungan ang isyu lalo pa’t mga bagets pa raw ang involved at hayaan na lang daw para masanay ang mga ito sa pagharap sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

Nananatili namang tahimik ang mga members ng Gold Squad sa isyu.

Muli, bukas ang BANDERA para kina Seth, Andrea, at Francine hinggil sa isyung ito.

 

Related Chika:
Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending