Seth Fedelin, Francine Diaz may 'something' nga ba? Bandera

Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

Reggee Bonoan |January 14,2022
share this

Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

Reggee Bonoan January 14, 2022 - 06:17 PM
Seth Fedelin, Francine Diaz may 'something' nga ba?

Francine Diaz and Seth Fedelin

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Bandera kahapon tungkol sa viral Tiktok video na hinahampas si Kyle Echarri ng unan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes kung saan sinabihan ng aktor ang dalawang aktres na tantanan na siya.

Si Seth Fedelin naman ay ipinagtanggol si Kyle kina Andrea at Francine na tigilan na rin at nadulas ang ka-love team ng huli na boyfriend nga nito ang una.

Mukhang hindi aware si Andrea rito.

At may video rin na nagkukulitan sina Seth at Francine na hindi matukoy kung bago o pagkatapos ng ng hampasan nila ng unan with Kyle and Andrea. Ang tanong bakit ang SethFrancine na ang close ngayon. May twist kaya ang kuwento ng The Gold Squad?

Bukod dito ay naglabas din ng tiktok video si Andrea na may nakalagay na ‘kagigising ko lang’ at ang background music ay awitin ni Selena Gomez na “Love You to Love Me” na sinasabayan pa ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)

May pinatatamaan ba si Andrea sa lyrics nitong, “I gave my all and they all know it, You turned me down and now it’s showing
In two months, you replaced us, Like it was easy, Made me think I deserved it..”

Palaisipan sa amin kung okay pa sina Andrea at Francine dahil in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram pero pareho naman nilang pina-follow pa si Seth.

“Saying Goodbye” ang huling series ng SethDrea, ganito rin kaya ang kahihinatnan ng kanilang love team?

Iisa ang manager nina Seth at Andrea, si Tita Becky Aguila at tinanong namin siya kung may relasyon ang aktor at si Francine pero na-seen zone lang niya kami.

Sa kasalukuyan ay wala pang statement ang Gold Squad tungkol dito.

 

Related Chika:
Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending