Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, 'yun ang pinroblema ko | Bandera

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Ervin Santiago - November 25, 2021 - 06:49 AM

Seth Fedelin at Andrea Brillantes

ALIW na aliw kami sa Kapamilya youngstar at member ng The Gold Squad na si Seth Fedelin habang sinasagot ang mga tanong sa ginanap na ABS-CBN Entertainment-iQiyi.com partnership media launch recently.

Talagang may datingan siya na parang si Daniel Padilla lalo na kapag nagsalita na siya at tulad ni DJ, may sense lahat ng kanyang mga sinasabi.

Sa nasabing virtual event ng pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at ng iQiyi.com ibinandera ang first Filipino original iQiyi series na “Saying Goodbye” na pagbibidahan nga nina Seth at Andrea Brillantes.

Ayon sa binata, “Nakaka-pressure. Kasi blessing ito eh. Pero itong blessing na ‘to na ipinagkaloob sa amin na may halong responsibilidad. Hindi lang ito basta-basta.

“Alam mo yung una kong ginawa, yung una yung script reading namin. Nasa kotse ako, talagang binabasa ko kasi may mga one-liner na English du’n. Yun yung pinroblema ko.

“Talagang nakaka-pressure siya. Kahit nasaang estado ka pa rito sa trabaho natin, dapat mararamdaman mo yun,” pagbabahagi pa ng ka-loveteam ni Andrea sa nasabing mediacon nitong nagdaang Martes, Nov. 23.

View this post on Instagram

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Kuwento pa ng aktor tungkol sa kanyang role, “Ako rito si Ricky. Parang siyang YOLO (you only live once) talaga. Tapos everyday is a blessing yung mga motto niya.

“Kapag may problema siya hindi niya pinoproblema. Hinahayaan niya na yung problema na mamoblema sa sarili nila. Tapos best friend ko ‘tong si Bansot (Andrea). 

“Talagang aso’t pusa sila rito. So kami, ganun din sa totoong buhay, asaran. Yung mga hilig din nila, music, pagkain nagkakasundo kami,” chika pa ni Seth.

Ayon pa sa binata, kakaibang challenge naman ang hinarap niya sa bago nilang project ni Andrea, “Dahil meron ako ditong sakit. Meron akong heart disease dito so challenge yun sa akin kumpara sa mga nakaraan kong nagawa. 

“Yun yung challenge sa akin pero laban. Pinaka-excited ako na i-play si Ricky dahil sa thrill na magawa ko na maipakita ko sa kanila na may sakit ako. 

“Yun yung gusto ko eh, yun yung pinakagigil ako na maipakita ko sa lahat ng manonood, yung parang panibagong mukha na naman,” dugtong ni Seth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na very soon ang “Saying Goodbye” sa iQiyi. 
https://bandera.inquirer.net/280064/seth-fedelin-may-promise-sa-madlang-pipol-nagse-share-na-ng-secrets-kay-andrea
https://bandera.inquirer.net/285072/napakain-ko-ang-pamilya-ko-dahil-sa-social-media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending