Shayne Sava niregaluhan ni Abdul Raman ng sapatos na nagkakahalaga ng P30K; umaming may nabago sa itsura, katawan | Bandera

Shayne Sava niregaluhan ni Abdul Raman ng sapatos na nagkakahalaga ng P30K; umaming may nabago sa itsura, katawan

Ervin Santiago |June 13,2022
facebook
share this

Shayne Sava niregaluhan ni Abdul Raman ng sapatos na nagkakahalaga ng P30K; umaming may nabago sa itsura, katawan

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 07:41 AM

Grace Juliano, Shayne Sava at Abdul Raman

DALAGANG-DALAGA na ang Kapuso star at StarStruck Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava nang muli namin siyang makita kamakailan sa isang event.

Huli naming nakita ang young actress three years ago nang ma-interview namin siya para sa “Showbiz Live” ng BANDERA kasama si Kim de Leon na hinirang namang StarStruck Ultimate Male Survivor.

At nito ngang nagdaang Miyerkules, June 8, muli namin siyang nakasama sa grand opening ng Queen’s Wellness and Beauty Center sa 80 Kanlaon St. Sta. Mesa Heights.

Siya ang bagong celebrity endorser ng Queen’s na pag-aari ni Dra. Grace Juliano na isa ring supplier ng stem cell products sa bansa. Business partner naman nito ang manager ni Shayne na si Gino Medina.

In fairness, ang sexy-sexy na ngayon ni Shayne at talagang nag-uumapaw ang sex appeal. Ibang-iba na ang aura niya kumpara noong kapapanalo pa lamang niya sa StarStruck.

Una naming napansin sa dalaga ay ang napakaliit niyang bewang at ang payat niyang braso. Kapansin-pansin din ang pagpayat ng kanyang face na dating may pagka-chubby cheeks.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shayne Kirsten (@shaynesava)


Kaya naman ang unang tanong ng press kay Shayne, anyare? Sinagot naman ito agad ni Ms. Grace. Aniya, “Instant Barbie Arms” ang ipinagawa ng young actress sa Queen’s kung saan binotox ang mga braso niya para lumiit at mas maging firm.

Bukod dito, may “contouring” ding ginawa sa kanyang face para mabawasan ang bilugang itsura nito. Super happy naman si Shayne sa naging resulta ng mga serbisyong ginawa sa kanya ng Queen’s Wellness and Beauty Center.

Ayon naman sa Operations Manager ng Queen’s na si Melanie Conmigo bukod sa Barbie Arms, meron din silang serbisyong Glass Skin, Gluta Push, stem cell shots, manicure, pedicure at marami pang iba.

Bukod kay Shayne, present din sa opening ng nasabing beauty clinic ang mga “Tawag ng Tanghalan” artits na sina Josh Labing-isa, Shanne Gulle, Anthony Castillo, JM Yosures, Luis Gragera, Rachell Laylo, Tristan Ramirez, Rap Cañedo at ang TNT Boys member na si Mackie Empuerto.

Samantala, inulan naman ng tukso si Shayne nang mabanggit ang pangalan ng ka-loveteam niyang si Abdul Raman. Napapanood ngayon ang dalawa sa Kapuso primetime series na “Raising Mamay” kasama ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

“Happy naman po kami ni Abdul and we are very grateful sa GMA dahil hindi kami nawawalan ng work together. After Legal Wives, binigyan po kami agad ng Raising Mamay,” anang dalaga.

Kasunod nito, ibinuking nga si Shayne ng kanyang manager na si Gio tungkol sa mamahaling sapatos na ibinigay ng aktor sa kanyang alaga.

Imagine, wala namang okasyon pero super give si Abdul ng shoes kay Shayne na nagkakahalaga ng P30,000!

Reaksyon ni Shayne, hindi naman daw niya iniisip na nanliligaw ba sa kanya ang binata. Feeling niya talagang generous lang si Abdul sa mga espesyal na tao sa buhay niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sey naman namin sa kanya, may lalaki bang magreregalo sa isang babae ng sapatos na worth P30,000 kung hindi ito nanliligaw. Ha-hahahaha!

Shayne Sava nagpapagawa na ng bonggang bahay para sa pamilya; umaani ng papuri sa ‘Raising Mamay’

Shayne Sava relate na relate sa mga hugot scenes sa ‘Raising Mamay’; may inamin tungkol kay Ai Ai

Shayne kinilig sa paandar ni Abdul: From Marikina to Pasig dinalhan niya ako ng food, naka-bike lang siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending