Alden, Kathryn level-up ang relasyon; netizens naaawa kay Daniel

Alden, Kathryn level-up na ang relasyon; netizens awang-awa kay Daniel

Ervin Santiago |April 13,2024
facebook
share this

Alden, Kathryn level-up na ang relasyon; netizens awang-awa kay Daniel

Ervin Santiago - April 13, 2024 - 08:53 AM

Alden, Kathryn level-up na ang relasyon; netizens awang-awa kay Daniel

FEELING ng mga fans at netizens, may “something” na ngang namamagitan ngayon kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kahit daw hindi na magsalita o umamin ang tambalang KathDen ay kitang-kita naman sa kanilang mga kilos at tinginan na nag-level up na ang kanilang special friendship.

In fairness, hindi pa nga nakaka-recover ang kanilang mga supporters sa mga viral kilig photos and videos nila sa social media na kuha sa birthday party ng aktres, ay may bago na naman silang  paandar.

Usap-usapan ngayon ang pagdalo ng Asia’s Multimedia Star sa blessing at housewarming party para sa bagong bahay ni Kath na matatagpuan sa Antipolo City sa Rizal.

Baka Bet Mo: Bakbakang Team Alden vs Team Jericho: Sino ang magwi-win kay Kathryn?

Kalat na kalat na ngayon sa social media ang mga litrato at video ng KathDen mula sa naganap na house blessing. May napanood pa kaming eksena kung saan nagse-serve si Alden ng drinks sa mga bisita.

Sa isang video naman ay makikitang masayang nagda-dance si Kathryn habang nakatitig lang sa kanya si Alden. Dito, maririnig din na nagsigawan ang mga bisita na nanunukso sa kanila.

Base sa mga nabasa naming komento mula sa netizens, kakaibang kilig ang dulot sa kanila ng mga bagong litrato at video ng dalawa at ramdam na ramdam daw nila na hindi lang sila basta magkaibigan lang.

“My god mababaliw na ko sa kilig sa 2 to.” “Ang #KathDen heart ko ay di mapakali hahaha kilig, excited hahaha nu beeee my parents .”

“Tinutukso na sila ng mga friends ni kath. Boto sila kay Alden para kay kath!”

“Ang saya nila tingnan..parang komportable sa isat isa..ung naipapakita nila ung totoong sila.” “Iba ang saya ni Kath nowadaysm yeee! inspired yern?!”

“Jusmio KathDen walang mapagsidlan ang saya at kilig ko sa inyong dalawa… Ung saya ni kath ang xiang ngiting walang patid ng saya ni Alden.”

Last week lang, naging hot topic din ng mga Marites all over the universe ang pag-attend ni Alden sa 28th birthday celebration ni Kathryn na ginanap sa El Nido, Palawan pati na rin sa post-birthday party nito dito sa Manila.

Kayo, dear BANDERA readers, ano’ng feeling n’yo sa KathDen – magdyowa na ba o magdyowa na? Ha-hahahaha! Walang choice!?

Samantala, marami namang naaawa sa ex ni Kathryn na si Daniel Padilla dahil talagang totally ay naetsapwera na ito sa buhay ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ni hindi man lang daw naisip ni Kathryn na imbitahan si DJ sa pa-housewarming niya samantalang naging bahagi rin naman ng buhay niya at ng pagpapatayo ng dream house niya ang aktor.

Sabi naman ng ilang netizens, desisyon ni Kath na huwag nang papuntahin sa party si Daniel para wala na lang maging isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending