Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’

Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’

Pauline del Rosario |April 11,2024
facebook
share this

Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’

Pauline del Rosario - April 11, 2024 - 09:32 AM

Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’

Alden Richards, Kathryn Bernardo

NAGSALITA na ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards patungkol sa tunay na relasyon nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Mula kasi ‘nung mag-birthday si Kath ay naging usap-usapan na sila ng maraming Marites dahil sa pagiging sweet sa isa’t-isa.

Kamakailan lang, nakapanayam ng entertainment journalist na si Nelson Canlas si Alden at tila pinaamin kung may namamagitan sa kanila ng aktres.

Ang sagot ng aktor, “What you see is what you get.”

Ayon sa report ng “24 Oras,” hindi nawala ang friendship nila ni Kath mula nang magkatrabaho sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” at ang mga nakikita sa social media ay ang pagiging natural lang daw sa isa’t-isa.

Baka Bet Mo: Bakbakang Team Alden vs Team Jericho: Sino ang magwi-win kay Kathryn?

“Masaya naman, masaya naman ‘yung naging experience and you can see how happy Kath is right now,” chika ni Alden.

Dagdag pa niya, “Hindi lang din talaga kailangang ipamalita sa social media ‘yung mga ganyan, but you know, sometimes ‘yung mga personal things that’s happening, better be personal nalang.”

Kasunod niyan ay nabanggit ni Alden ang pinaghahandaan niya para sa taong ito – ang makasali sa isang marathon.

Ayon sa aktor, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan kaya nagpahinga muna siya sa paglalaro ng online games.

“Actually, hindi ko naman siya ina-announce, but suntok sa buwan lang na gusto ko sana by this year, makatakbo ako sa isang half marathon,” sambit ni Alden kay Nelson.

“It’s more of therapy…panibagong outlet. I lie lowed with gaming, hindi na ako naglalaro kasi, so doon ako sa fitness nagfo-focus kasi mas beneficial siya sa health,” ani pa niya.

Magugunita na kumalat sa socmed ang ilang litrato at video nina Alden at Kathryn na kuha sa post-birthday party ng aktres.

May isang post na makikitang dumating ang Asia’s Multimedia Star sa event with matching super laking bouquet of roses and gift for Kathryn.

May nag-trending din na nakayakap pa si Alden kay Kath, habang kinukunan sila ng picture together.

Dahil diyan, maraming fans ang kilig overload sa dalawa at sinasabi pa nila na bagay na bagay ang dalawa.

Kung maaalala, naging close sina Alden at Kathryn nang gawin nila ang 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.”

May mga bali-balita pa nga na niluluto na ng Star Cinema ang part 2 ng pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang naririnig namin, baka raw ang sequel ng “HLG” ng KathDen ang maging official entry ng Star Cinema sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na ididirek uli ni Cathy Garcia-Sampana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending