Claudine 11 years nang walang dyowa, maraming nanliligaw pero... | Bandera

Claudine 11 years nang walang dyowa, maraming nanliligaw pero…

Ervin Santiago |November 21,2023
facebook
share this

Claudine 11 years nang walang dyowa, maraming nanliligaw pero…

Ervin Santiago - November 21, 2023 - 07:36 AM

Claudine 11 years nang walang dyowa, maraming nanliligaw pero...

Claudine Barretto

MAY mga nanliligaw naman daw kay Claudine Barretto pero hindi raw talaga niya priority ngayon ang magkaroon ng bagong karelasyon.

Mahigit 11 years na raw siyang walang lovelife pero masaya naman daw siya sa kanyang personal life at naka-focus lang siya ngayon sa kanyang mga anak dahil ang mga ito talaga ang priority niya.

“Eleven years na akong walang boyfriend, walang date, walang ano. Kung mapapansin n’yo, wala rin talagang natsitsismis sa akin. So, talagang tutok lang ako with my children, ‘yun lang talaga. I think, I was really born to be a mother,” sabi ni Claudine.

Nakachikahan namin siya kasama ang ilan pang members ng entertainment media sa presscon ng comeback series niya sa GMA 7, ang “Lovers/Liars”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, may mga nanliligaw naman sa kanya pero parang intimidated daw ang mga ito sa kanya, “Meron, pero siguro, nai-intimidate sila. And siguro, nakikita nila na hindi ‘yon ang priority ko. Hindi naman sarado ang puso ko to love again. Pero, hindi ‘yon ang priorities ko.”

Baka Bet Mo: JM de Guzman nagparinig kay Donnalyn Bartolome: ‘Tagal ko nang nanliligaw… baka naman!?’

Ngunit kung may darating na lalaking muling magpapatibok sa puso niya, “Thank god, bonus na talaga ‘yon. Naniniwala talaga ako na kapag para sa ‘yo talaga, darating at darating ‘yon.”

“At ang hinahanap ko talaga, ‘yung kayang mahalin ang mga anak ko more than anything. Kung mahal ako, sana mas mahal ang mga anak ko.

“Kasi, at the end of the day, sila pa rin ang number one. At kung ma-in-love man ako, ‘yun na ang number 2,” aniya.

Sey pa ni Claudine, hindi naman siya mahirap mahalin, “Actually hindi. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nag-work ang marriage ko. Kasi, hindi ako ‘yung asawang nagger. Masaya akong asawa, mabuti akong asawa.”

Inamin din niyang totoong na-traumatize siya sa pagsasama nila noon ni Raymart Santiago bilang mag-asawa, “Yes, yes… actually, malaki ang trauma. Actually, up to now.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagpapatuloy pa niya, “Ongoing ang annulment namin. Delay ng delay ang deadline ni Raymart for support. He’s trying to get custody. Sixteen years old na si Santino at 19 years old na si Sabina and hindi ko alam kung bakit niya gustong kunin ang custody.”

Baka Bet Mo: Shayne Sava niregaluhan ni Abdul Raman ng sapatos na nagkakahalaga ng P30K; umaming may nabago sa itsura, katawan

Samantala, nagsimula na kagabi ang  bagong serye ni Claudine na “Lovers/Liars”, ang bagong collaboration project ng Regal Films at GMA 7.

Sey ni Claudine, ibang-iba raw ang mapapanood sa kanya ng viewers dahil talagang nagpaka-daring raw siya rito at naging game na game sa mga love scene at bed scene.

“Very, very! Actually, nalaman ko lang ‘to, two weeks bago itong show, do’n ko lang nabasa ang script. Tapos, lahat mabilis.  Hindi ko talaga in-expect na magkakaroon ako ng show sa GMA,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Lovers/Liars” sina Michelle Vito, Lianne Valentin, Yasser Marta, Rob Gomez, Polo Ravales at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending