Claudine Barretto umalma sa netizen na naghihirap na siya: Wala pong masama maging mahirap

Claudine Barretto umalma sa netizen na naghihirap na siya: Wala pong masama maging mahirap

Therese Arceo |November 17,2023
facebook
share this

Claudine Barretto umalma sa netizen na naghihirap na siya: Wala pong masama maging mahirap

Therese Arceo - November 17, 2023 - 06:45 PM

Claudine Barretto umalma sa netizen na naghihirap na siya: Wala pong masama maging mahirap

Claudine Barretto

PINALAGAN ng aktres na si Claudine Barretto ang isang netizen na nagsabing naghihirap na siya.

Nag-post kasi siya sa kanyang Instagram account kamakailan dahil naghahanap siya ng personal secretary.

” could you pls help me find a live in secretary / house and schedule manager. Kindly message me through dm. Leave your cellphone number and bio data… thank you so much, have a nice day,” saad ni Claudine.

Ngunit sa kabila ng maayos na post ng aktres ay may mga netizens pa rin ang hindi maiwasang magkomento ng mga negatibo ukol sa aktres.

Isang netizen nga ang pumuna kay Claudine kung bakit naghahanao ito ng secretary.

Sey ng netizen, “Nung una apartment ang hinahanap, ngayon secretary. Hala, naghihirap na talaga si idol.”

Agad namang pinalagan ni Claudine ang negang comment ng netizen.

“Naghihirap agad? Sana naisip mo na nag tratrabaho ako at kailangan may mag ayos ng schedule nung mga bata,bills etc. Wala po masama maging mahirap,” pag-alma ng aktres.

Baka Bet Mo: Pasabog ni Claudine…karelasyon ni Raymart ‘bad influence’ raw; ayaw ibigay sa kanya ang pinaghirapang bahay

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kinuwestiyon rin ni Claudine kung talaga bang tagahanga niya ito na sumusuporta sa kanya o isa sa mga taong gustong manghila pababa ng mga tao.

Marami namang mga followers ng aktres ang nag-comment at dinepensahan ang Kapuso star.

“Yung bio ni kuya spread love and positivity daw pero grabe, negativity agad nakita nya sa post ni ms. Claudine. wag po tayong makajudge agad kuya. Jusko,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Paanong naghihirap? Eh naghahanap nga ng secretary.”

“Bat ba ang daming nega sa com sec. Inaano ba kayo ng tao? Naghahanap sya ng staff in a nice way but niyo pinag iisipan ng kung ano-ano. May bad experience ba kayo sa kanya as amo? Hay nako,” sey naman ng isa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Korean vlogger malaking tulong sa pakikipaglaban ni Claudine sa mental health problems: ‘I’m preparing myself for a new battle’

Regine bigong magaya ang eksena ni Claudine sa ‘Milan’; Piolo pinatunayan ang loyalty kay Rhea Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending