Regine bigong magaya ang eksena ni Claudine sa 'Milan'; Piolo pinatunayan ang loyalty kay Rhea Tan | Bandera

Regine bigong magaya ang eksena ni Claudine sa ‘Milan’; Piolo pinatunayan ang loyalty kay Rhea Tan

Ervin Santiago |September 26,2023
facebook
share this

Regine bigong magaya ang eksena ni Claudine sa ‘Milan’; Piolo pinatunayan ang loyalty kay Rhea Tan

Ervin Santiago - September 26, 2023 - 07:10 AM

Regine bigong magaya ang eksena ni Claudine sa 'Milan'; Piolo pinatunayan ang loyalty kay Rhea Tan

Rhea Tan, Piolo Pascual at Regine Velasquez

BENTANG-BENTA sa mga fans ang ginawang reenactment ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang isang iconic scene sa pelikulang “Milan”.

Pero hindi si Claudine Barretto ang kasama ni Papa P sa nasabing eksena kundi ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Nangyari ito habang umiikot ang dalawang Kapamilya stars sa Milan, Italy kamakailan kung saan nagkaroon ng series of show ang “ASAP Natin ‘To” sa Europe.

Habang wala pa silang trabaho, napagtripan nga nina Piolo at Regine na gayahin ang eksena ng aktor at ni Claudine sa blockbuster movie na “Milan.”

Ang dialogue ng Songbird at ang iconic line ni Claudine sa movie na, “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ‘ko o kailangan mo ako kaya mahal mo ‘ko?”

Nang hindi magetsing ni Regine ang tamang linya, humirit ito ng, “Ang gulo! Pwede mahal mo na lang ako, period?”

“Mahal kita, kailangan kita, at mayaman din ako,” ang sagot naman ni Piolo sa kanya.

Samantala, bago kantahin ni Papa P ang “Mahal Pa Rin Kita” sa Milan concert ng “ASAP”, inamin niya sa audience na super na-miss niya ang “Milan” at may espesyal na lugar talaga ito sa puso niya.

“It’s so nice to be back here in Milan, it’s been years. I kept saying it’s like a full circle moment and it’s just so nice because you guys are here.

“You know how much this means to us you’re stocking with us and now we’re here performing for you. You don’t know how much happy that you guys made it,” aniya pa.

Baka Bet. Mo: Cassy umaming dream partner si Alden; excited na sa pagiging bagong ‘baby’ ni Rhea Tan

Samantala, four years and counting pa ang pagiging brand ambassador ni Piolo ng sikat na beauty and wellness brand na Beautéderm.

Nag-renew ng kontrata si Piolo sa super successful company na pag-aari ng CEO at President nitong si Rhea Anicoche-Tan. Muling nagkita ang dalawa sa naganap na contract signing at endorsement shoot.

Sa pabirong hirit ni Piolo na nagpakilig kay Ms. Rhea, sinabi niyang, “Happy 20th!” Sinundan naman ito ng Instagram post ni Ms. Rhea na mayroong caption na “Happy 20th! Char! Practice lang! Proud to call you my baby.”

Itinuturing na isa sa leading male endorsers ng Pilipinas, proud na proud si Piolo na maging isang Beautéderm baby.

Ayon kay Ms. Rhea, “I am thankful to Piolo Pascual and his management. Piolo is such a nice human being. As the official endorser of Beautéderm, his effectiveness in representing the brand has been undeniable. Piolo always smiles with confidence.”

Pagpapatuloy ng negosyante, “What I love about Piolo is he’s very committed as an endorser. He posts, promotes, and uses the products —and he does it sincerely. When we opened our largest Beautéderm store at the Clark Cityfront Mall in Angeles City, Piolo went there to support. Grabe ang effort niya. Mahal na mahal ng Beautéderm family si Piolo.”

Adbokasiya ng business magnate ang makapagbigay ng awareness tungkol sa kahalagahan ng oral health. Nagbigay din siya ng mensahe sa mga konsyumer na dapat ay safe ang mga binibiling oral care products.

Nagpasalamat naman si Piolo sa batambatang CEO, “Ms. Rhea defines what a true boss looks like —aspiring, class, humble, and smart. I admire her. I am forever grateful for her trust. I believe in the products.”

Lovi Poe, Coco Martin makikisaya sa show sa Milan ng ‘ASAP Natin ‘To’; Jane, JC, Ria, Tony may matinding tapatan sa ‘Nag-Aapoy Na Damdamin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending