Claudine Barretto ibinandera ang rason ng biglang pagpayat: ‘Ito yung size ko when I was single’
NAPAKARAMING nagulat sa biglang pagpayat ng award-winning actress na si Claudine Barretto kaya naman curious ang madlang pipol kung ano ang kanyang “secret diet.”
Knows n’yo ba na 84 pounds na ang nabawas sa timbang ni Claudine mula nang magsimula siyang karirin ang kanyang weight-loss journey?
Dalawang buwan na ang nakararaan nang mag-start ang aktres ng IF o intermittent fasting, base na rin sa naging rebelasyon niya sa panayan ni Karen Davila na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Ayon sa isang health website, ang “intermittent fasting is a popular dietary method that alternates between periods of eating and fasting.”
View this post on Instagram
“It became a habit already. I do 20:4 hours, I do 20 hours. And then tuloy-tuloy na,” ang pahayag ni Claudine na ang tinutukoy ay ang proseso ng pagda-diet kung saan nagpa-fasting siya daily for 20 hours at lalafang within a hour-hour window.
Magsisimula ang kanyang eating routine ng 4 p.m., “You have to start, mag-i-start ka ng 13 hours muna, 14. Don’t go beyond that.”
Kasunod nito, pinaalalahanan naman ni Karen ang madlang pipol na humingi pa rin ng advice sa mga eksperto, “Pero guys, huwag niyo tularan without your doctors.”
Baka Bet Mo: Ali Forbes nakiisa sa concert kontra sa climate change: Nagsisimula naman ang lahat sa pagsasabuhay
Sa tanong kung ito na ang pinakapayat na katawan na na-achieve niya ever, “No, no, no. Ito yung size ko when I was single. I went down, now I’m 100 pounds.”
Hirit na reaksyon naman ni Karen, “You’re 100 pounds? Sana all.”
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pang chika ng aktres, “Yung cravings, the cravings talaga. So bad talaga.”
Ano ang ginagawa niya para makontrol ang kanyang cravings? “Wala, I’d clean. I’d clean the bathroom. I’d clean and clean and clean para makalimutan ko.
“And I’d try to sleep early talaga, and I’d try to wake up late. So, tinatagalan ko yung tulog ko,” dagdag pa niya.
“I also took out beef and pork. But I’d eat talaga, like chicken from a fast food chain, and then, donuts. It’s all prepared na. Para pag iniisip ko, konting oras na lang kaya rin,” aniya pa.
Biglaang pagpayat ni Hoyeon Jung ng ‘Squid Game’ ikinabahala ng netizens
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.