Ali Forbes nakiisa sa concert kontra sa climate change: Nagsisimula naman ang lahat sa pagsasabuhay
GINANAP ang concert na Clean Air Philippines nitong Nobyembre 30, Bonifacio Day sa kanto ng Scout Borromeo Street at EDSA para sa kampanya ng Clean Air Philippines na ang titulo ay ‘Celebrities ATBP laban sa Climate Change vs Climate Emergency.
Matagal nang pangarap ito ni Dr Michael Raymond Aragon, Chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) para sa rebolusyonaryo pakikibaka at pakikipaglaban ng grupo para sa climate change.
Tungkol sa climate emergency ang napag-usapan ng mga invited artists ni Dr. Michael Aragon.
Isa sina Lance Raymundo, Chase Romero, at Ali Forbes ang naanyayahan sa nasabing event bilang apela na rin sa polluters para bawasan ang carbon footprints para ma-prevent ang nakakamatay na resulta ng climate change.
Ang Pilipinas ay hindi carbon polluter na bansa mula sa pananaliksik, ang greenhouse gas emissions ay less than 1 per cent (0.03% lang) kompara sa industrialized nations na tulad ng China, United States, India, at iba pa.
Base sa pahayag ni CAPMI President, Dr. Leo Olarte, “Tayo ngayon ay nasa proseso ng paghahain ng trillion-dollar class suit laban sa mga polluter countries sa buong mundo. And to hold them responsible sa lahat ng epektong idinulot nito sa climate change ng ating bansang Pilipinas.
View this post on Instagram
“Ang international class suit ay ihahain sa international tribunal laban sa highly industriized carbon polluter na mga bansa gaya ng Amerika, Tsina, India to hold them legally accountable sa nging makamandag na epekto nito hindi lang sa bansa kundi sa mundo.”
Kaya hihingi sila ng sizable amount sa ating pamahalaan para magamit sa mitigation, adaptation, at resiliency programs.
Anyway, naka-tsikahan namin si 1st runner-up Binibining Pilipinas 2012 na si Ali Forbes ay matagal na siyang climate change kasama si Doc Michael.
Say ni Ali, “Taong 2012 pa kami magkakasama nina Doc sa mga show at ‘yan na ang pinalaganap namin. Kumbaga, pagsisimula ng isang rebolusyon gaya ng sabi niya. Na ngayon umabot na sa pag-file ng class suit.
“Nagsisimula naman ang lahat sa pagsasabuhay gaya ng pag-iwas sa paggamit ng plastic, mga munting balot ng kendi ay isine-segregate sa mga bulok at hindi nabubulok, ang pagtatanim at marami pa.”
Bukod sa mga adbokasiyang ginagawa ni Ali ay isa rin siyang content creator at aktres, kasama siya sa proyekto ng Saranggola Media tulad ng pelikulang “Erotika” at Mamay Productions na may titulong “Lanao”.
Related Chika:
‘Dance Versus Climate Change’ hahataw na para sa 2022 National Clean Air Month, mapapanood sa ALLTV 2
Beauty ilang araw hindi nakatulog bago nagdesisyong maging Kapuso; nag-‘I love you’ sa bashers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.