Binibining Pilipinas titleholders muling magsasama-sama sa coronation night
MASAYANG ibinahagi ng Binibining Pilipinas organization na muling magbabalik ang mahigit 100 queens sa mha nagdaang edisyon para sa 2024 coronation night.
Ito ay inanunsyo nitong Biyernes, June 11, matapos ang National Costume competition na ginanap sa New Frontier Theater sa Araneta, Quezon City.
Bukod pa rito ay magkakaroon ng tig iisang milyong pisong premyo para sa mga mananalo sa Bb Pilipinas ngayong taon.
Para sa mga hindi aware, ngayong taon ay ipinagdiriwang ng national beauty competition ang kanilang ika-60th anniversary at bahagi ng selebrasyon ang pagbibigay pugay para sa mga nagdaang reyna na nagmula sa naturang beauty pageant na naging daan para kilalanin ang Pilipinas bilang global pageant powerhouse.
Baka Bet Mo: SB19 magpapakilig sa Bb. Pilipinas; P1-M ang premyo sa coronation night
View this post on Instagram
Ilan sa mga alumnae ng Binibining Pilipinas ay ang apat ba beauty queens na napagtagumpayang iuwi ang Miss Universe crown sa bansa na sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Ilan pa sa mga nagmula sa naturang beauty pageant na nagbigay karangalan sa bansa bilang Miss International titleholders ay sina Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).
Bukod rito, nagmula rin sa Bb Pilipinas ang first victory ng bansa sa Miss Intercontinental pageant matapos manalo ni Karen Gallman noong 2018 na sinundan pa ng pagkapanalo ni Cinderella Faye Obeñita noong 2021.
Ilan pa sa pasabig ng naturang beauty pageant ay ang dalawang bagong korona na gawa ng renowned jewelry and accessories designer na si Manny Halasan.
Sa ngayon ay kumpirmadong rarampa sina Catriona Gray at Kylie Verzosa sa darating na coronation night dahil kabilang sila sa magiging hosts ng patimpalak kasama sina 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves at 2014 Miss Universe semifinalist MJ Lastimosa.
Ilan naman sa mga magpe-perform sa Bb Pilipinas ay ang P-Pop boy group na SB19 at ang OPM (Original Pinoy Music) singers na sina Martin Nievera at Gary Valenciano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.