Ruru Madrid, Piolo Pascual may konek sa isa't isa: Sinabihan siya ng Dad ko na, 'Oh, inaanak mo 'yung anak ko, ha!' | Bandera

Ruru Madrid, Piolo Pascual may konek sa isa’t isa: Sinabihan siya ng Dad ko na, ‘Oh, inaanak mo ‘yung anak ko, ha!’

Ervin Santiago |September 24,2023
facebook
share this

Ruru Madrid, Piolo Pascual may konek sa isa’t isa: Sinabihan siya ng Dad ko na, ‘Oh, inaanak mo ‘yung anak ko, ha!’

Ervin Santiago - September 24, 2023 - 07:14 AM

Ruru Madrid, Piolo Pascual may konek sa isa't isa: Sinabihan siya ng Dad ko na, 'Oh, inaanak mo 'yung anak ko, ha!'

Ruru Madrid at Piolo Pascual

KNOWS n’yo ba na may konek pala ang Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid at ang award-winning Kapamilya actor na si Piolo Pascual?

Ibinandera ni Ruru na ninong niya si Piolo dahil naging close rin daw at naging mabuting magkaibigan ang tatay niya at ang actor-singer at movie producer.

Sa guesting ng “Black Rider” lead star sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, naikuwento niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang kinakapatid na si Iñigo nang magkita sila sa isang event.

“My dad and si (Piolo), talagang magkaibigan po sila, so parang sinabihan siya ng Dad ko na, ‘Oh, inaanak mo ‘yung anak ko ha,'” pahayag ni Ruru.

Sey pa ng Kapuso actor, nagkachikahan din sila ng anak ni Piolo na si Iñigo tungkol sa pagiging magkinakapatid nila.

“Si Iñigo, sabi niya, ‘Bro alam mo ba na inaanak ka ni papa?’ Sabi ko, ‘Oo bro. Alam mo ever since alam ko ‘yan,'” excited na kuwento pa ni Ruru.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tapos parang natuwa ako na alam ‘yun ni Mr. Piolo Pascual,” aniya pa.

Baka Bet Mo: So-so actress at dyowang may konek din sa showbiz nag-away dahil sa matinding selos

Naibahagi rin ng binata sa interview niya kay Tito Boy na rumaket ang tatay niya noon bilang extra sa teleserye habang nagtrabaho naman bilang model  ang kanyang ina.

Nauna rito, sinabi rin ng Kapuso hunk actor na malaki ang naitulong ng mga experience niyang rejection noon dahil ito ang pinanghawakan niya upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.

Sey ni Ruru, “Ayun po ‘yung nagturo po sa akin upang maging matibay. Sanay po ako maging underdog. Sanay ako ng parang laging dina-doubt ng mga tao.

“Pero, nangingibabaw ‘yung pangarap ko sa buhay na kahit noon, kung nakita n’yo po ako noon talagang para akong tingting,” sabi pa niya.

At tingnan n’yo naman ang kapalaran, nagsunud-sunod ang kanyang projects sa GMA 7. Bukod sa “Black Rider”, bida rin si Ruru pelikulang “Video City” kasama si Yassi Pressman na showing na ngayon sa mga sinehan.

Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mimiyuuuh natuto na sa pakikipagrelasyon, lovelife advice: ‘Never ever date someone na walang pera’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending