So-so actress at dyowang may konek din sa showbiz nag-away dahil sa matinding selos | Bandera

So-so actress at dyowang may konek din sa showbiz nag-away dahil sa matinding selos

Reggee Bonoan - June 27, 2023 - 07:51 AM

So-so actress at dyowang may konek din sa showbiz nag-away dahil sa matinding selos

Guess, guess who!? Mahulaan n’yo kaya kung sino sila?

MUKHANG may lovers’ quarrel ang so-so actress at ang boyfriend niyang may konek din sa showbiz dahil sa selos.

May pinagselosan ang boyfriend ng so-so actress dahil may ipinakilalang guwapong private citizen sa dalaga sa isang event na dinaluhan nito na siyempre bilang guest sa nasabing lugar kaya naging nice naman siya.

Hindi niya kasama ang boyfriend at nalaman lang nito dahil may nagpasa ng mga larawan kung ano ang mga naging kaganapan sa nasabing event.

Baka Bet Mo: 2 kilalang aktres ikinumpara sa mga bading, grabeng magregalo sa dyowa; so-so aktor manggagamit, manloloko

Very civil naman si so-so actress sa ipinakilalang guwapong private citizen at hindi naman nakitaan na type niya ang guy, pero napapangiti siya sa mga kuwentuhan nila.

Nang nasa hotel na ang so-so actress ay tumawag na ang boyfriend at nagkaroon sila ng pagtatalo na narinig ng ilang staff at siyempre ng mga kasama ng dalaga.

Napuputol ang tawag dahil sa masamang signal for sure at hindi naman ito prepaid na kada 10 minutes ay nawawala.

Anyway, hanggang sa sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin okay sina so-so actress at ang boyfriend nitong medyo kilala na rin ngayon sa mundo ng showbiz.

Sabi ng aming source, “Naku kapag dumalaw si ____ (boyfriend) mawawala rin ang away nila, matagal na rin kasing hindi nagkikita ‘yan, pareho silang busy.”

“Type ba ni ____ (so-so actress) ang guwapong private citizen?” tanong namin sa aming source.

“Hmmmm, sabi lang niya guwapo. Wala lang din naman ‘yun kasi may dyowa ang lola mo,” sagot sa amin.

Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elha Nympha sa mga manloloko: ‘Pag cheater, cheater, periodt! Walang echos-echos!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending