So-so actress walang utang na loob, direktor/producer na nagbigay break sa kanya noon, hu u na ngayon? | Bandera

So-so actress walang utang na loob, direktor/producer na nagbigay break sa kanya noon, hu u na ngayon?

Reggee Bonoan |May 26,2023
facebook
share this

So-so actress walang utang na loob, direktor/producer na nagbigay break sa kanya noon, hu u na ngayon?

Reggee Bonoan - May 26, 2023 - 04:08 PM

S0-so actress walang utang na loob, direktor/producer na nagbigay break sa kanya noon, hu u na ngayon?
SOBRANG nalungkot ang kilalang direktor/producer dahil hindi man lang nagbalik tanaw ang so-so actress na nagbigay ng break sa kanya sa panahong lugmok siya dahil na rin sa kawalan ng offers.

“I gave her break at the time na bagsak na bagsak siya, “ ito ang bungad ng director/producer sa amin.

At naalala nga namin na panahon ito ng pandemya na hinto lahat ang tapings/shootings/shows dahil ipinagbawal ito ng IATF o Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Dagdag pa, “parang ang kapal naman to ignore the project that I gave to her.”

Nagkuwento kasi ang so-so actress sa mga kaibigan niya ng upcoming project niya na sobrang excited siya dahil first time raw siyang nabigyan ng ganito kalaking proyekto.

Ang siste, ang isa sa napagkuwentuhan ng so-so actress ay malapit din sa director/producer kaya nabanggit lang at napa-react ang huli.

Baka Bet Mo: Aktres isinusuka na ng mga katrabaho; reklamador na, demanding at feeling reyna pa

At dito na naglabas ng sama ng loo bang director/producer dahil may attitude ang so-so actress bukod pa sa hindi rin daw ito tumulong mag-promote ng show niya.

“Well, hayaan na nga natin.  Good thing my new artists now were so professionals at mababait.  Marunong gumalang sa co-artists nila. Kaya nakakatuwa talaga silang tulungan at very grateful sa konting tulong na naibigay sa kanila. Ang dami na nga nila agad endorsements kaya tuwang-tuwa sila,”kuwento ng director/producer.

Tinanong namin kung nagpasalamat ba si so-so actress sa project na nabigay ng kausap naming direktor at prodyuser.

“Hindi ko maalala, ha, ha, ha.  Hayaan na nga. Naalala ko lang kasi nakuwento sa akin mga sinabi, siyempre nakakasama ng loob,” tumawang sagot ng aming kausap.

Sabi namin ay dedma na lang dahil may kasabihan na ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi magtatagal ang tinatamasang kasikatan ay hindi pa pala sikat, feeling sikat lang.

Related Chika:
Aktor ‘hinimas-himas’ ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So-so actress ayaw nang makatrabaho ni kilalang male celeb, umiiwas na sa tukso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending