Aktor 'hinimas-himas' ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto | Bandera

Aktor ‘hinimas-himas’ ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto

Reggee Bonoan |March 01,2022
facebook
share this

Aktor ‘hinimas-himas’ ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto

Reggee Bonoan - March 01, 2022 - 05:44 PM

Mahulaan n’yo kaya kung sino ang aktor na ito?

TALK of the town ngayon ang so-so actor na kinukuhang leading man sa mga indie film at ilang mainstream movies.

Ang tsika sa amin ay madalas na siya ang pamalit sa mga aktor na hindi puwede dahil always free ang schedule niya kasi nga bihira rin siyang magkaroon ng projects.

Kilala ang so-so actor na kapag abala sa buhay pag-ibig ay tumatanggi sa mga projects kasi nga mas prayoridad niya ito dahil mas malaki raw ang pakinabang niya rito.

At heto na, matagal siyang nawalan ng proyekto dahil sa katatanggi niya na tinatandaan pala ng mga producer at direktor.  

E, bigla siyang nangailangan ng pera kaya panay ang pakiusap na bigyan siya ng projects ng mga kilalang producer kahit daw hindi sundin ang talent fee niya dati.

Siyempre nagbaba ng TF, e, di ginrab ng isang producer dahil hindi rin naman sure kung kikita ang pelikula niya lalo’t pandemya ngayon at hindi pa gaanong pinapasok ang mga sinehan.

At nang kunin na ang so-so actor sa isang project ay nagulat na lang kami na nagkasunud-sunod na at marami pang naka-line up dahil nagustuhan daw siya ng director cum producer.

Naloka ang production staff dahil naging sunud-sunuran na ang mga boss nila sa so-so actor. 

“Anyare? Hindi nga nila gusto ‘yan dati. Bakit nagkaganyan na sina ____ (direktor at iba pang producer),” ang reaksyon ng isang staff sa pelikulang ginagawa ngayon ng so-so actor.

“Magaling maglambing at humimas sa braso,” biro naman ng isang bossing din sa production.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ang so-so actor na ito ay matagal ding naging lover boy ng kilalang gay executive na nakasabay pa ng designer.

Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple

Aktor laging nakatambay sa casino: Before midnight nawawala siya, after two hours nandoon na uli siya

Premyadong senior actor may budget para sa indie film; ‘General Admission’ ni Jasmine at JC, ipapalabas na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending