Aktres isinusuka na ng mga katrabaho; reklamador na, demanding at feeling reyna pa | Bandera

Aktres isinusuka na ng mga katrabaho; reklamador na, demanding at feeling reyna pa

Reggee Bonoan |September 07,2022
facebook
share this

Aktres isinusuka na ng mga katrabaho; reklamador na, demanding at feeling reyna pa

Reggee Bonoan - September 07, 2022 - 10:48 AM

Guess, guess who? Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?

NAGTATAKA kami kung bakit hindi nagtagal ang isang so-so actress sa nilipatan niyang talent agency gayung kilala naman ang ahensiyang ito.

Halos lahat nga ng mga artists nila ay sikat at kilala sa ibang bansa dahil bukod sa kaliwa’t kanang shows ay napasama pa sa Hollywood films ang ilang alaga nila.

Marahil ito ang dahilan kung bakit lumapit ang so-so actress sa nasabing talent agency hoping na gaganda ang karera at iingay ang pangalan niya na matagal na niyang pangarap.

Dati kasi ay konektado sa TV network ang manager ni so-so actress at nabibigyan naman siya ng projects na galing sa mga bossing kaya walang magawa ang production dahil, “Request ni boss, bigyan ng show.”

Pero sa hindi malamang dahilan ay lumamlam ang karera ng nasabing aktres at hindi na siya binibigyan ng bida role bagay na ikinaiirita ng aktres.

Napag-alaman din namin na inirereklamo siya ng production team na naka-work niya dahil bukod sa pagiging mareklamo, demanding at bossy pa raw ito.

Yan din pala ang problema ng talent agency na nilipatan ng so-so actress dahil kahit na anong lako nila ay hindi nabebenta o hindi pinapansin dahil ayaw nga siyang makatrabaho.

“Naku, lahat ng tao inirereklamo siya. Feeling Queen!” sabi ng taga-talent agency na never naming naringgang mag-comment ng hindi maganda at ito nga ang first time.

Sa kasalukuyan ay may bagong manager ang so-so actress at umaasa siyang babalik pa rin ang lumamlam niyang karera.

Siguro kung magbabago ng ugali ang aktres na ito ay baka makabawi pa siya sa showbiz pero kung patuloy siyang magpapaka-diva at magpapaka-bossy, tiyak na waley na ang kanyang career.

Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple

Aktor ‘hinimas-himas’ ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto

So-so actor bakit nga ba nakikisawsaw sa isyu ni kontrobersyal na aktor, aktres?

Aktor laging nakatambay sa casino: Before midnight nawawala siya, after two hours nandoon na uli siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending