2 kilalang aktres ikinumpara sa mga bading, grabeng magregalo sa dyowa; so-so aktor manggagamit, manloloko | Bandera

2 kilalang aktres ikinumpara sa mga bading, grabeng magregalo sa dyowa; so-so aktor manggagamit, manloloko

Reggee Bonoan |October 11,2022
facebook
share this

2 kilalang aktres ikinumpara sa mga bading, grabeng magregalo sa dyowa; so-so aktor manggagamit, manloloko

Reggee Bonoan - October 11, 2022 - 11:01 AM

2 kilalang aktres ikinumpara sa mga bading, grabeng magregalo sa dyowa; so-so aktor manggagamit

Sinu-sino sila? Guess, guess who na!?

TAAS-KILAY ang reaksyon sa amin ng taong malapit sa dalawang kilalang aktres na pareho nang taken ngayon at naging dyowa ng isang so-so actor.

Nabanggit kasi namin na naka-move on na ang so-so actor sa kanyang past relationship dahil may bago na itong girlfriend na maganda rin at hindi nahuhuli sa mga naging ex-dyowa niya kung ganda rin lang ang pag-uusapan.

Sabi kaagad sa amin ng taong malapit sa dalawang kilalang aktres, “Ang tanong, may pera ba ‘yang dyowa? Kasi ‘Day kung waley, bibilang ako ng buwan, break na.”

Bakit kaya may ganitong anggulo ang nasambit ng taong kausap namin? “E, kasi si _____ (so-so actor) nagtatagal lang siya sa mga dyinowang madatung kasi generous sila.

“Sobrang spoiled nga ‘yan kasi kahit may sasakyan na, manghihiram pa rin ng sasakyan sa mga naging dyowa, e, kasi luxury cars.

“Since in love naman ang mga naging dyowa kaya amen lang sila nang amen sa trip ng boyfriend nila.

‘Kaso ito palang si ____ (so-so actor) kaya nanghihiram ng magarang kotse, e, iniyayabang lang sa mga kaibigan. Ang style niya pupunta sa mga gimikan na puro mayayaman ang nandoon at kapag may nakilala tsika-tsika na.

“At alam mo na kapag nakainom na, tipsy na, so joyride sila sa magarang kotse at saka ihihinto sa mataas na lugar na overlooking na bago pumutok ang araw ay ihahatid na ang bagong kaibigan,” kuwento ng taong malapit sa dalawang aktres.

Tsika pa sa amin na dahil feel na feel ng so-so actor ang magarang sasakyan kaya inaabot ito ng ilang araw sa kanya na kailangan pa siyang tawagan at kulitin ng ex-girlfriend kung kailan isosoli ang car.

“Mas bonggang dyowa si ____ (huling ex) kasi bukod sa magarang car may pa-shopping pa ng mga bagong damit. Kakatawa nga ‘tong lola mo, parang bakla magmahal,” kuwento pa.

E, ano naman ang bigay nu’ng naunang ex ng so-so actor? “Pa-grocery naman ang drama niya saka panay ang out of town nila at kakain sa fancy restaurants,” sambit sa amin.

May pera naman daw ang so-so actor pero kuripot pero gumagastos din naman sa dalawang naging dyowa, hindi nga lang niya matapatan ang mga ibinigay sa kanya ng mga ito.

E, anong dahilan bakit nahiwalay si so-so actor sa dalawang ex? “Iniwan siya! E, siguro napagod ang mga lola mo kasi siyempre hindi na sila mga bagets pa kaya waiting sila sa plano ni ____ (so-so actor) sa future, e, walang linaw parang gusto chill-chill lang at mahaba pa raw ang gabi.

“Hindi feel ng mga lola mo ang ganu’ng drama plus nabalitaan ding may ibang dine-date rin si ____ (so-so actor) kapag nasa gimikan, so goodbye na!” sabi ng taong malapit sa dalawang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282582/female-star-super-deny-na-siya-ang-sumira-sa-relasyon-ng-ex-celebrity-couple

https://bandera.inquirer.net/306892/aktor-hinimas-himas-ang-kilalang-producer-kaya-nagsunud-sunod-ang-proyekto https://bandera.inquirer.net/323361/aktres-isinusuka-na-ng-mga-katrabaho-reklamador-na-demanding-at-feeling-reyna-pa https://bandera.inquirer.net/304522/aktor-laging-nakatambay-sa-casino-before-midnight-nawawala-siya-after-two-hours-nandoon-na-uli-siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending