Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple | Bandera

Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple

Reggee Bonoan |April 21,2021
facebook
share this

Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple

Reggee Bonoan - April 21, 2021 - 05:19 PM

MAY dahilan naman pala kaya mega-deny ang isang female celebrity na itinuturong dahilan kaya naghiwalay ang magdyowang aktor at aktres na napapanood sa magkaibang TV network.

Sabi ng idinadamay na aktres ay wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng dalawang artista  dahil hindi niya ugali ang pumatol sa may sabit na.

Pero inamin nito na close sila ng so-so actor at madalas  magkuwentuhan kaya siguro nabigyan ng masamang interpretasyon ng mga kasamahan nila sa lock-in taping ng kanilang teleserye.

At ang itinurong dahilan din na nagkalat ng tsismis tungkol dito ay ang isa ring aktres na nakilala rin sa pagiging madaldal.

Nagpatutsadahan ang so-so actress at ang female celebrity na pinagbibintangan ngang third party sa paghihiwalay nila ng so-so actor sa social media na ikinatuwa rin ng marami dahil maraming pumik-ap ng istorya.

Ang ending, mali ang hinala ni so-so actress dahil hindi pala ang female celeb ang tunay na dahilan kaya sila naghiwalay ng dyowa niyang actor.

Iba pala ang dumadalaw sa taping ng aktres at alam din ito ng ilang cast members ng serye na minabuti na lamang tumahimik para hindi na lumaki pa ang apoy.

Kaibigang male star ni so-so actor ang laging bisita ni female celeb sa kanyang kuwarto kaya naman pala todo tanggi ito sa paghihiwalay ng co-star niya sa serye at sa dyowa nitong so-so actress.

Anyway, hanggang ngayon ay hindi pa natutunugan sina aktor at aktres ang malapit na magkaibigan ngayon dahil hanggang kuwarto ay nagkakatsikahan sila na mahigpitna ipinagbabawal sa lock-in taping.

Baka kasi napaaga ang pack-up at hindi pa inaantok pareho kaya mega-kuwentuhan sila inside the room pero ayon naman sa aming source ay mahusay umarte ang dalawa dahil dedma sila kuno kapag nakaharap na ang mga executives.

Nakapagtataka lang dahil parehong single sina aktor at aktres pero hindi nila inaamin ang kanilang relasyon?  Pero may narinig kaming may dine-date si gurl kaya siguro ayaw niyang umamin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending