Elha Nympha sa mga manloloko: 'Pag cheater, cheater, periodt! Walang echos-echos!' | Bandera

Elha Nympha sa mga manloloko: ‘Pag cheater, cheater, periodt! Walang echos-echos!’

Ervin Santiago |May 31,2023
facebook
share this

Elha Nympha sa mga manloloko: ‘Pag cheater, cheater, periodt! Walang echos-echos!’

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 10:21 AM

Elha Nympha sa mga manloloko: 'Pag cheater, cheater, periodt! Walang echos-echos!'

Elsa Nympha

SINO nga kaya ang pinatututsadahan ng Kapamilya singer na si Elha Nympha sa kanyang social media post na may konek sa mga cheater?

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang maaanghang na hugot ni Elha patungkol sa mga taong walang ginawa sa kanilang buhay kundi ang manloko nang manloko.

Sa kanyang Facebook account nitong nagdaang Lunes, nagbitiw ang “The Voice Kids” grand champion ng matapang na pahayag kaugnay ng pakikipagrelasyon sa maling tao.

Hirit ng dalaga, “’Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!”

Kasunod nito, nabanggit din niya ang kultura ng victim-blaming sa mga nawasak na relasyon, “Forda stop niyo ang victim blaming niyo di nakakatuwa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐄𝐥𝐡𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐡𝐚 (@elhamaenymphaofficial)


Hindi pa diyan nagtapos ang pagbengga ni Elha sa taong tinutukoy niya, tinalakan pa niya ito at nag-dialogue ng, “Dami sinasabi, cheater naman! Dapat i-quiet niyo nalang ang mouth ganoin!

Baka Bet Mo: John Prats nagpapatayo ng bonggang bahay; Regine Tolentino tinawag na cheater ang ex-hubby

“Ang daming discussion hahanap pa ng butas bakit nag cheat, never niyo majujustify ang cheating yun lang un kbye!” dagdag pang patutsada ng dalaga.

Pahabol pang hirit ni Elha, “Ang sabi pwede mag cheat day! Sa pagkain po ah hindi sa relasyon ok? HAHAHAHA.”

Walang binanggit na pangalan si Elha pero may mga netizens ang nanghula na baka raw patama ito sa nagkahiwalay na mag-asawang sina Moira dela Torre at Jason Hernandez.

Hindi naman sinasagot ni Elha ang mga followers niya sa FB kung para kina Moira at Jason ang kanyang mga hugot o kung ito baby may kaugnayan sa personal niyang karanasan.

John Prats nagpapatayo ng bonggang bahay; Regine Tolentino tinawag na cheater ang ex-hubby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending