John Prats nagpapatayo ng bonggang bahay; Regine Tolentino tinawag na cheater ang ex-hubby
TULOY-TULOY ang blessings na natatanggap ng Kapamilya actor-director John Prats sa kabila ng pandemya.
Ibinahagi kasi nito sa kanyang Instagram account ang isang litrato kung saan makikita ang kanilang pinapagawang bahay.
“A HOUSE is built with boards and beams, a HOME is built with Love and Dreams,” saad ni John sa kaniyang post.
Nagpost rin ang asawa nitong si Isabel Oli sa kanyang account na may caption na, “Another day, another blessing. Forever grateful. Thank you God. This is it cuff @johnprats.”
Masaya naman ang kanilang mga kaibigan at taga-suporta sa bagong milestone ng pamilya.
Hinangaan rin ng mga ito ang pagiging hardworking ng dalawa para sa kanilang mga anak.
* * *
Sinagot ni Regine Tolentino ang mga tanong ng netizens sa pamamagitan ng TikTok video nito.
May isang netizen na nagtanong kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating asawa.
“No job at cheater,” sagot ng actress-turned-fashion designer.
Ang dating asawa nito ay ang aktor na si Lander Vera Perez na una niyang nakilala sa isang teen drama anthology na Flames.
Kasal ang dalawa ng halos 18 years at may dalawang anak na babae.
Ayon sa isang netizen, hindi na dapat ito isapubliko ng aktres dahil kahit paano ay ama pa rin ito ng kanyang mga anak.
Matatandaan na taong 2016 nang kumpirmahin ni Regine ang paghihiwalay nila ni Lander.
Lumabas rin na isa sa mga dahilan ay ang pagiging babaero ng aktor. Amin pa nito, siya mismo ay nahuli ang dating asawa na kasama ang babae nito.
Sa ngayon ay masaya na si Regine sa kanyang buhay kasama ang bagong asawa na si Dondi Narciso.
Taong 2020 noong ipinanganak nito ang kanilang beautiful baby girl na si Rosie na nabinyagan noong February 2021.
Bukas naman ang BANDERA sa magiging paliwanag o reaksyon ng ex-husband ni Regine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.