Delivery rider madalas mabiktima ng fake booking, Allan K nakiusap: Mga Dabarkads, please huwag na tayong manloko | Bandera

Delivery rider madalas mabiktima ng fake booking, Allan K nakiusap: Mga Dabarkads, please huwag na tayong manloko

Ervin Santiago - July 27, 2022 - 07:42 AM

Allan K may panawagan para sa mga delivery rider

Allan K

UMABOT sa P2,800 ang halaga ng inabonahan ng isang delivery rider matapos mabiktika ng fake o prank booking.

Kuwento ng delivery rider na si Rhic sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga,” marami raw talagang nagpapa-book online pero pagdating nila sa lugar na nakalagay sa booking ay wala naman pala.

Ito ang dahilan kaya nanawagan sa publiko on national TV ang isa sa mga host ng Kapuso noontime show na si Allan K. sa lahat ng mga gumagawa ng prank at pekeng booking.

Aniya, tigilan na sana ng mga taong ito ang panloloko sa mga delivery rider na nagjahanap-buhay nang marangal para sa kanilang mga pamilya.

Kuwento ni Rhic sa “Bawal Judgmental” bilang isa sa mga choices, 10 a.m. siya nagsisimulang magtrabaho at matatapos nang madaling araw gamit ang kanyang motorsiklo.

Aniya, ang pinakamalayong lugar na napuntahan niya ay nasa 12 kilometro, “Minsan talo po kasi kapag sobrang layo, traffic po.”

“Sobrang nakakapagod po talaga. Kasi kailangan ko pong kumayod kasi nakaasa po ‘yung pamilya ko sa akin. ‘Yung lolo ko po kasi maysakit, may stage 4 cancer,” kuwento pa ng delivery rider na umaming may anak na pero hiwalay sa asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @allan_klownz


Kasunod nga nito, nabanggit nga ni Rhic na madalas siyang mabiktima ng fake booking at ang pinakamalaki raw na inabonohan niya ay P2,800.

Kaya naman ang pakiusap at panawagan ni Allan K sa lahat ng nanloloko at nagti-trip sa mga delivery rider, “Sana po, mga Dabarkads, huwag tayong mag-fake book.

“Huwag na tayong magloko kasi ang mga taong ito, narinig niyo naman si Rhic siguro, kung para saan ang paghihirap niya.

“Hindi magandang gawain ‘yan kung nagloloko lang kayo. Sa bahay niyo na lang kayo maglokohan. Puwede niyong i-prank ang kasama niyo.

“Pero itong mga ito, kasi hindi biro itong ginagawa ng mga ito eh. Nauulanan, naiinitan. Tsaka hindi niyo po alam, ‘yung mga purpose ng kanilang paghihirap tapos gaganyanin niyo.

“‘Yung kikitain nila sa araw na iyon, iaabono pa nila,” dire-diretsong paalala ni Allan K.
https://bandera.inquirer.net/301799/allan-k-sa-yumaong-ina-sana-nandito-ka-pa-para-kung-ano-man-yung-gustuhin-mo-maibibigay-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/317989/vice-gusto-ring-magkaroon-ng-sariling-anak-nangangarap-makapasok-sa-hollywood-suntok-sa-buwan-pero
https://bandera.inquirer.net/280982/allan-k-mas-kumapit-pa-kay-lord-nang-bagyuhin-ng-pagsubok-hindi-niya-ako-iniwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending