Moira dela Torre muntik nang tamaan ng bote ng tubig habang nasa mall show
HINDI napigilan ng singer-songwriter na si Moira dela Torre ang maiyak nang muntikan na siyang tamaan ng bote ng tubig na may laman habang nagpe-perform.
Isang netizen ang naka-video ng pangyayari at in-upload ito sa kanyang TikTok account.
“Yung kalmado pa rin siya kahit na muntik ng tamaan ng bottled water from 2nd/3rd floor,” caption nito sa video ni Moira habang nagpe-perform.
Wala namang nasaktan sa pangyayari at mabilis na na-deploy ang mga security para sa dagdag seguridad sa lugar.
Baka Bet Mo: Sam Milby sa relasyon kay Moira Dela Torre: We are not friends anymore
View this post on Instagram
Abala si Moira sa pagkanta ng kanyang hit single na “Paubaya” nang biglang may nalaglag na bote mula sa upper floor ng mall.
Sa kabila nito ay kalmado at patuloy pa rin siyang kumanta para sa crowd.
“Accident po yan from 3rd floor po yon nanggaling . Nasagi po yong paper bag na may mga laman na mineral bottle ng isang student na nononood lang din po nasaktuhan na jan lang nakapwesto si moira,” ayon sa isang netizen.
“She doesn’t deserve that treatment :(( glad na hindi sya natamaan,” sabi naman ng isa.
Samantala, naluha naman si Moira sa kanyang sinapit.
“Nagtatrabaho lang naman ako, bakit n’yo ako tsinitsismis? Ayoko nang magtrabaho,” aniya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.