Moira katambal si Sam Concepcion sa music video ng ‘San Ka Na’

PHOTO: Instagram/@moiradelatorre
BUKOD sa pagiging singer, bumida rin si Moira Dela Torre sa ni-release niyang official music video.
Ito ay para sa latest single niyang “San Ka Na” kung saan ang naging ka-love team ng dalaga ay ang fellow singer at childhood friend na si Sam Concepcion.
Ang kanilang role sa MV ay bilang couple na biglang nagkalabuan, ngunit hindi pa sure ang dalaga kung nais na niyang mag-let go o umaasa pang magkakabalikan sila ng binata.
Ang music video ay ibinandera sa YouTube channel ni Moira noong February 15 at umaani na ito ng halos 250,000 views at mahigit 5,000 likes.
Baka Bet Mo: Moira dela Torre game na uli ang puso na ma-in love, pero hindi naman daw atat na magkadyowa agad-agad
Sa pamamagitan ng Instagram, lubos ang pasasalamat ni Moira kay Sam.
“My music video for ‘San Ka Na’ is out now. I got to shoot this with a childhood friend in the place that holds most of my memories — my hometown,” sey niya na ang tinutukoy ay ang Olongapo.
Mensahe pa niya sa kaibigan, “Thank you for doing this with me!”
Paglalarawan pa niya sa music video, “hits home quite literally.”
“Thank you to all my friends and family who helped make this music video happen!” aniya pa.
View this post on Instagram
Magugunitang naging usap-usapan si Moira at ang isa pang longtime friend at “kuya” na si Sam Milby matapos aminin ng huli na hindi na sila magkaibigan.
Walang chinika ang aktor, pero nabanggit niya sa isang interview na nag-fall out sila last year pa.
“It’s an issue that’s a bit more sensitive, I think…We’re just not friends anymore,” sambit niya sa panayam.
Nilinaw rin niya na hindi naging third party si Moira sa hiwalayan nila ng dating fiancee na si Catriona Gray.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.