Moira 'nagluluksa' hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko... | Bandera

Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Ervin Santiago |June 09,2022
facebook
share this

Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Ervin Santiago - June 09, 2022 - 09:15 AM

Jason Hernandez at Moira dela Torre

HANGGANG ngayon ay hot topic pa rin ng mga “Marites” ang kontrobersyal na hiwalayan ng celebrity couple na sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

Until now ay ayaw pa rin kaming tantanan ng aming mga kapamilya, kapuso, kapatid at kapitbahay na nagtatanong kung ano ba talaga ang dahilan ng kanilang breakup.

Pero feeling namin, hindi na magsasalita ever sina Moira at Jason about the real reason ng kanilang paghihiwalay as married couple.

Kaya bahala na kayo kung ano ang gusto n’yong isipin — kung si Moira ba ang dapat sisihin o si Jason na siyang unang umamin na natapos na ang kanilang love story.

Si Moira pa lang ang nagpapa-interview matapos ang breakup kung saan inamin nga niyang sinisisi rin niya ang sarili kung bakit tuluyan nang nasira ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa panayan ng “Magandang Buhay”, maraming rebelasyon ang award-winning singer-songwriter tungkol sa naging pagsasama nila ni Jason kabilang na ang totoong nararamdaman niya ngayon.

“Siguro po, I’m in a season na hindi ko nakita. Kumbaga, mahilig akong mag-bullet journal, binigyan ako ni Mama Regs (Regine Velasquez) ng journal and mahilig akong magplano. Kumbaga, wala ito sa plano. It’s a foreign feeling to me and I didn’t expect it to be like this,” paglalarawan ni Moira sa feelings niya.

Nang tanungin ni Regine kung sinisisi ba niya ang sarili sa nangyari, “Yes, sobra, I guess sa lahat naman ng pinagdaraanan ko sa buhay, ayun ang initial reaction ko. I always say what did I do wrong?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)


“Saan ba ako nagkulang? Dati akala ko ang ‘Paubaya’ kanta ko lang, pero tinatanong naman talaga natin lahat ‘yun sa sarili natin. Saan tayo nagkamali, saan tayo nagkulang… hindi lang sa relationships,” ani Moira.

Dito rin naikuwento ng Kapamilya star na bukod sa nangyari sa kanila ni Jason, nagsunud-sunod din ang malulungkot na pangyayari sa mga mahal niya sa buhay.

“Namatay po ‘yung bestfriend ko, nalaman kong may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko. And I didn’t know how I was going to process. Nag-shutdown ako,” pahayag ng singer.

Abot-langit naman ang pasasalamat niya sa kanyang “Idol Philippines” family na naging karamay niya sa gitna ng mabibigat na pagsubok na kinakaharap niya.

“Feel ko po kung hindi Idol season, hindi po ako binigyan ni Lord ng mga kaibigan ko ngayon. I don’t think I would be as strong as I would have been.

“Sobrang perfect timing ng pagdating ng mga tao sa buhay ko ngayon. I showed up to work and instantly, the strength of Mama Regs, Tito Gary (Valenciano), the whole staff, they were just there.

Nabanggit din niya na unti-unti na rin siyang nakaka-move on sa kanyang sitwasyon, “Kasi dito ko nakikita na pwede pala magsabay ‘yung grieving pati ‘yung healing, na parte pala ng grieving ‘yung healing.

“Puwede pa rin pala ako maka-experience ng joy sa umaga kahit umiiyak ako sa gabi. Puwede ko pala ma-experience ulit na hinahanap ko ang sarili ko kahit nawawala ako sa gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang akala ko kasi dati kapag dumarating ang mga moment na ganito, iisang feeling lang all throughout. First time and sana last time na ‘yung ganito eh,” sabi pa ni Moira.

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Jason Hernandez kinumpirmang hiwalay na sila ni Moira dela Torre: I’m sorry for everyone I hurt…

Vice Ganda sinupalpal ang netizen na sinabing susunod na siya kay Moira na makikipaghiwalay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending