Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa 'Eat Bulaga' | Bandera

Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

Ervin Santiago |June 07,2023
facebook
share this

Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

Ervin Santiago - June 07, 2023 - 11:44 AM

Alden umaming may pinagdaraanang personal; cryptic post sa Instagram walang konek sa 'Eat Bulaga'

Alden Richards

MARIING pinabulaanan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na para sa mga bagong host ng “Eat Bulaga” ang kanyang cryptic post sa Instagram.

Nag-post kasi ng isang makahulugang emoji ang Pambansang Bae sa Instagram Story na binigyan naman ng malisyosong kahulugan ng mga netizens.

Hindi kasi maiwasan na malagyan ng kulay ang cryptic post ni Alden na tila nagpapakita ng kanyang pagkadismaya sa isang bagay o pangyayari sa kanyang buhay at career.

Nagkataon pa na ibinahagi ito ng Kapuso actor sa mismong araw ng muling pagla-live sa GMA 7 ng longest-running noontime show sa Pilipinas last Thursday, June 1.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa panayam ng TV5, dinenay ni Alden na may konek sa “Eat Bulaga” ang ipinost niyang emoji. Paglilinaw niya, hindi ito para sa nasabing noontime program at lalong walang kinalaman sa mga bagong hosts nito sa pangunguna nina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar.

“May pinagdaraanan lang na personal pero small things lang naman. Nothing that I can’t handle,” ang paglilinaw ni Alden.

“Hindi siya professional-related?” ang sunod na tanong ng TV5 host at reporter na si MJ Marfori.

“Yes, no, no, no, it’s not,” sagot ng award-winning Kapuso star.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona nagbabala tungkol sa mga pekeng kaibigan: ‘They are very, very real’

“Hindi ‘to sa Eat Bulaga?” sundot pang tanong kay Alden.

“No, of course not!” tugon naman ni Alden.

Sa huling bahagi ng panayam, nagpaabot din si Alden ng mensahe para sa iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

“To the TVJ, know that kahit ano pa man po ang mangyari, my loyalty ‘yong sarili ko is for them regardless.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I’m always looking back do’n sa mga taong nakatulong sa’kin nang malaki, and I think I have the right to defend that, and that’s my stand, because malaki po utang na loob ko sa kanila and my support for them will go until the end of times,” aniya pa.

Elha Nympha sa mga manloloko: ‘Pag cheater, cheater, periodt! Walang echos-echos!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljur Abrenica inatake ng ‘golden bashers’ matapos mag-post ng cryptic message kasabay ng birthday ni AJ Raval

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending