Boy Abunda pag-aari ang ‘Fast Talk’ kaya nagamit sa GMA; unang pasabog ang interview kina Marian, Bea, Alden at Paolo
SUNUD-SUNOD na pasabog ang inihanda ng King of Talk na si Boy Abunda para sa pilot week ng bago niyang show sa GMA 7, ang “Fast Talk With Boy Abunda.”
Magsisimula na ito sa January 23, Lunes hanggang Biyernes ng 4:05 p.m.. Yes, araw-araw mapapanood ang award-winning TV host sa Kapuso Network simula next week.
Sa naganap na presscon ng “Fast Talk With Boy Abunda” o “FTWBA” last Saturday, inisa-isa nga ni Tito Boy ang magiging guest niya sa unang linggo ng kanilang programa.
“Marian (Rivera) is my first guest. And Marian, maraming-maraming salamat sa iyong pagtitiwala. Alam naman natin si Marian, she is on a temporary hiatus but napakabait.
“Tinawagan ko ang management office ni Marian saka ni Maine (Mendoza). I called Shirley Kuan personally to negotiate and to talk to her about Bea Alonzo. And she has confirmed, on the Thursday of the first week.
View this post on Instagram
“I spoke directly to Alden, to Richard. I mean, I call him Richard. I spoke to Paolo Contis straight,” sey ni Tito Boy.
Sundot na tanong sa kanya kung umoo na sa kanya si Paolo, “Ay, oo naman! Hindi naman ako papayag, sabi ko. ‘Hindi ako papayag na hindi ka umoo.’
“Then I spoke to Popoy Caritativo this afternoon, confirmed Carla Abellana. I spoke to Popoy. In other words, I’m going to work with a great team pero hindi ako uupo.
“Kaya sinasabi ko sa kanila, ‘Pasensya na kayo, sobrang taas ang energy ko at pakialamero ako.’ Oo, dahil hindi ako papayag na hindi mag-deliver dahil sobrang tiwala ang ibinigay sa akin ni Atty. (Felipe) Gozon,” pagpapatuloy pa ng veteran TV host.
Dagdag pa niya, “Hindi ako mag-aantay ng grasya. I will work. I called all of them. So my first week is Marian. The second day is Glaiza de Castro and I am lucky because the husband said yes. I’m doing an exclusive interview with Glaiza and David (Rainey, asawa ni Glaiza).
“Our Wednesday si Alden. Our Thursday is Bea. Our Friday is Paolo Contis. Can we ask for more?” aniya pa.
Samantala, ipinaliwanag din ni Tito Boy ang magiging tema at konsepto ng bago niyang show sa GMA sa gitna nga ng sandamakmak na vloggers ngayon at halos lahat din mga artista ay may YouTube channel na.
“Sa pagbabalita ngayon, halimbawa kapag may buntis, it starts with sabi ko nga, cryptic posts. Until, you know, somebody reveals.
“Or pag nag-away, ina-unfollow. Tinatanggal ang mga litrato sa IG. Lahat ng ito, familiar tayo. Familiar tayo na nabago na.
“Hindi katulad noon na inaantay natin ang mga palabas para i-confirm ang mga balita. O di kaya hinahabol natin. We were all going for exclusives hanggang magsasalita halimbawa ang artista. Alam natin yun.
“So saan ako sisingit? Saan tayo sisingit? This was a brilliant idea by my headwriters, to call the show Fast Talk with Boy Abunda. Because that is my brand. That is who I am. To the millennials, if you wanna say.
“Kung noon ay maraming mga salita ang ginagamit tungkol sa akin, e ngayon pag nakakasalubong ko ang mga tao ay, ‘Sex or chocolate?’ ang tanong, di ba? Or ‘Lights on or lights off?’
“So I thought it was a brilliant idea to say. Bakit tayo nagpapaliguy-ligoy pa? Because we were thinking, ‘Ano ba ang ihahain natin?’ ‘Mag-fast talk tayo.’ So yun,” esplika niya.
Dagdag pa ng nagbabalik-Kapuso, “To be able to communicate with the millennials. Gagawin natin yun. Pangalawa, we have to step up. We have to be able to present, how are we gonna do Fast Talk? Siguro dun sa mga katanungan.
“Kasi ang Fast Talk naman, it’s specific and it’s personal to the guest. So ang Fast Talk is fun because hindi masyadong nakahulma.
“Halimbawa, nagkaroon ka ng boyfriend na may girlfriend. Ang Fast Talk ko siguro sa iyo ay boyfriend-girlfriend, so it becomes very personal.And that’s where the fun is coming from,” saad pa niya.
Ipinagdiinan din ni Tito Boy na pag-aari niya ang “Fast Talk” kaya wala itong naging issue sa ABS-CBN, “May ownership ako du’n. I own the copyright of ‘Fast Talk.’ I invented that. I created that.
“At agad nagpasintabi rin tayo para hindi nasu-surprise ang mga kinauukulan. Yes, I own the copyright of ‘Fast Talk.’ So gagamitin natin ang isang elemento na akin. Ibibigay ko yun, di ba?
“Dahil alalahanin natin, ako’y singit lamang, ako’y hihiram lamang ng 20 minutes doon sa sabi nga ng ating boss, ni Lilybeth (Rasonable) ay nasanay ang ating merkado doon sa mga teleserye in the afternoon.
“Aside from that, susubok din tayo. Susubok din tayong gumawa ng headlines. Kung marami sa social media ang nagiging sources ng kuwento, hindi ko ihihinto rin. Maghahabol din tayo ng kuwento.
“Malay mo makatisod tayo ng balita na sa atin mag-uumpisa. Because remember, we have access to the GMA artists. We have access to our personal friends.
“At may konting kredibilidad dahil may fact-checking kami. Kung halimbawa, magbibigay ako ng headline, dadaan yan sa napakaraming tao before I’m able to do you know a commentary for example. Or an enumeration of headlines for the day,” magandang paliwanag pa ni Tito Boy Abunda.
‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class
Bitoy excited nang makaharap si Boy Abunda: ‘Gusto kong makita muli ang mahiwaga mong salamin…’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.