Bitoy excited nang makaharap si Boy Abunda: 'Gusto kong makita muli ang mahiwaga mong salamin...' | Bandera

Bitoy excited nang makaharap si Boy Abunda: ‘Gusto kong makita muli ang mahiwaga mong salamin…’

Ervin Santiago |December 29,2022
facebook
share this

Bitoy excited nang makaharap si Boy Abunda: ‘Gusto kong makita muli ang mahiwaga mong salamin…’

Ervin Santiago - December 29, 2022 - 07:08 AM

Bitoy excited nang muling makaharap si Boy Abunda: 'Gusto kong makita muli ang mahiwaga mong salamin...'

Michael V at Boy Abunda

BUKOD kay Dingdong Dantes, feeling excited na rin ang ilan pang malalaking Kapuso stars sa pagbabalik-GMA 7 ng King of Talk na si Boy Abunda.

Kung hinamon ni Dong si Tito Boy na sumabak na rin sa number game show ngayon sa Pilipinas na “Family Feud”, may kanya-kanya ring mensahe ang iba pang bigating Kapuso sa premyadong TV host.

Ilan nga sa nagpahatid ng kanilang message sa pamamagitan ng recorded video para kay Tito Boy ay sina Michael V, Alden Richards, Dennis Trillo, Barbie Forteza at Manilyn Reynes.

“My favorite Tito, Tito Boy! Bitoy po, welcome back to GMA! Talagang hindi ko na mahintay na magkaharap, magkausap tayo at makita kong muli ang mahiwaga mong salamin. Welcome back and I’ll see you soon,” ang pag-welcome sa kanya ni Bitoy.

Ito naman ang mensahe ng Kapuso Primetime Drama Princess at “Maria Clara at Ibarra” lead star na si Barbie, “Hi Tito Boy, si Barbie Forteza po ito. Welcome po sa Kapuso network.

“Grabe, I can’t wait to meet you in person soon grabe isa po talaga kayo sa mga iniidolo ko when it comes to hosting. Sana po makita ko po kayo in person and welcome again sa Kapuso network,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Mensahe naman ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho kay Tito Boy, “Magkasama na tayo sa iisang network.

“Alam mo naman we are always good friends kahit ‘di tayo nagkikita and we go a long long way back siguro mga 30 years na marami ka pang buhok noon at mga bata pa tayo pero shhhh na lang para hindi tayo mahalata.

“Welcome back, I wish you all the good luck in the world. Good luck sa mga programang hahawakan mo at sa mga makakasama mo,” sey pa ni Jessica.

Sabi naman ni Boy Abunda, “Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala. Sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer.

“Maraming salamat po sa iyong paniniwala po sa aking pagkatao. Maraming salamat po sa makapusong pagtanggap n’yo dito sa akin dito sa GMA 7. I am grateful,” aniya pa.

Sa unang quarter ng 2023 magsisimula na ang bagong programa ng veteran at award-winning TV host kung saan muli niyang patutunayan na karapat-dapat talaga siyang tawaging King of Talk.

‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class

Bwelta ni Roman Perez sa nanlalait sa kanyang pelikula: Panoorin muna at kapag basura doon n’yo kami awayin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine nag-mall show sa Pampanga, isang fan biglang umiyak sa stage, anyare?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending