Mimiyuuuh natuto na sa pakikipagrelasyon, lovelife advice: 'Never ever date someone na walang pera' | Bandera

Mimiyuuuh natuto na sa pakikipagrelasyon, lovelife advice: ‘Never ever date someone na walang pera’

Ervin Santiago |July 04,2023
facebook
share this

Mimiyuuuh natuto na sa pakikipagrelasyon, lovelife advice: ‘Never ever date someone na walang pera’

Ervin Santiago - July 04, 2023 - 09:44 AM

Mimiyuuuh natuto na sa pakikipagrelasyon: 'Never ever date someone na walang pera'

Mimiyuuuh (Photo from Instagram)

HOT topic ngayon sa social media ang naging payo ng content creator at social media personality na si Mimiyuuuh na may konek sa pakikipag-date.

Ibinandera ni Mimiyuuuh ang isa sa mga natutunan niyang lesson pagdating sa pakikipagrelasyon at pagpili ng magiging dyowa — wag na wag daw makikipag-date sa mga taong walang pera.

Sa isang video ng Cosmopolitan Philippines, sinagot ng internet star ang ilan sa mga tanong ng mga netizens tungkol sa iba’t ibang isyu na may konek sa buhay at usaping love.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)


Ang isang tanong ng sender kay Mimiyuuuh ay, “My ex and I broke up two months ago. May utang siya sa akin na malaki, and hindi ko alam kung paano siya sisingilin.

“Dapat sana magkusa siya since alam naman niya na dapat niya akong bayaran. Ilang beses ko na siya na-message pero puro excuses lang. Paano ba ‘to?”

Sagot sa kanya ni Mimi, “Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magdyodyowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh, nagdyowa ka ng walang pera.

“Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera,” diretsahan pang sabi ni Mimi.

Patuloy pa niya, “Hindi ko naman sinasabi na it really matters. Dapat kasi stable ka muna sa sarili mo bago ka magdagdag ng tao sa buhay mo.

“I think dapat talaga siyang magkusa. And ‘yon nga, kung wala talagang way para mabayaran ka, I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date ka ng walang pera. So next time, huwag ka na lang mag-date ng walang pera,” payo pa ni Mimiyuuuh sa netizen.

Baka Bet Mo: COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens na nabasa namin sa socmed.

“Never date someone na mukhang pera.”

“True din naman… may point siya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)


“Malamang dapat may anda ‘yong guy pag nakipag-date ka siyempre alangan girl ang gumastos sa date n’yo kakahiya naman noh at kaka-turn off.”

“Akala mo naman hindi galing ‘to sa hirap! So kung hindi ka naging mayaman ngayon, hindi ka dapat i-date? Hindi ka dapat mahalin? Nasaan ang (brain emoji) mo bhieeee??!! Dapat never date someone na walang PANGARAP SA BUHAY! Mas ok pa ‘yan sa tingin ko. Sa akin lang naman bhie.”

“Aw! Ok lang mag-date kung sincere ka sa ka-date mo.. hindi mo iha-hide na wala kang perang pang-date, sabihin mo na hindi kaya ng bulsa ang expenses. Pero may alternative na paraan para makapag-date kayo na hindi pagkakagastusan.

“Depende yan sa tao kung maluho or hindi. Also, sa date… hindi ka manghihingi or hiram ng pera. Pag ang date mo nanghiram ng pera sa’yo sa first or second date n’yo. Magduda ka na… red flag na ‘yon.”

Samantala, natanong din si Mimi kung isusumbong ba niya sa bestfriend niya sakaling mahuli niyang niloloko ito ng kanyang dyowa.

“Kung ako talaga, makikialam ako… especially kung may proof ako. Ipapakita ko talaga na niloloko ka ng dyowa mo. We don’t deserve someone who will cheat on us,” sagot ni Mimi.

Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending