Mimiyuuuh nabili na ang pinapangarap na sasakyan sa halagang P5.2-M: 'Ang galing mo ng universe...another dream come true!' | Bandera

Mimiyuuuh nabili na ang pinapangarap na sasakyan sa halagang P5.2-M: ‘Ang galing mo ng universe…another dream come true!’

Ervin Santiago |May 17,2023
facebook
share this

Mimiyuuuh nabili na ang pinapangarap na sasakyan sa halagang P5.2-M: ‘Ang galing mo ng universe…another dream come true!’

Ervin Santiago - May 17, 2023 - 02:15 PM

Mimiyuuuh nabili na ang pinapangarap na sasakyan sa halagang P5.2-M: 'Ang galing mo ng universe...another dream come true!'

SA WAKAS, natupad na rin ang isa sa matagal nang pinapangarap ng social media influencer at content creator na si Mimiyuuuh.

Nabili na rin finally ni Mimiyuuuh ang kanyang dream car kamakailan na ibinandera nga niya sa kanyang YouTube vlog para magsilbing inspirasyon din sa mga kabataang tulad niya.

Sa pagbili niya ng kanyang pinapangarap na sasakyan ay pinagdiinan ni Mimiyuuuh sa madlang pipol ang isa sa napakarami niyang motto sa buhay na, “Life is all about upgrades.”

Kitang-kita at ramdam na ramdam ng kanyang mga supporters at YouTube subscribers ang kanyang kaligayahan at excitement nang kunin na niya sa isang car store ang nabiling sasakyan.

“Another dream come true na naman po ang mae-experience po natin kasi I’m finally getting my first-ever personal car, ‘yung matatawag ko talagang akin kasi never in my life may natawag akong akin.

“I’m super happy po and sobrang excited po ako and overwhelmed po,” ang bahagi ng pahayag ni Mimiyuuuh sa simula ng kanyang vlog.

Dagdag pa niya, “Sobrang surreal po nitong moment na ito kasi dati po, itong kotse na pong ito, ini-scroll ko lang po sa Pinterest.

Baka Bet Mo: Mimiyuuuh dinala ang pamilya sa Palawan: Natupad ko po ang isa sa mga goals ko this year

“Tapos sabi ko, ‘Gusto ko rin ng ganito soon.’ So ang galing po ng universe na the things that I want come to me because I attract them,” lahad pa ng content creator.

Ang nabiling sasakyan ni Mimiyuuuh ay isang white Jeep Wrangler Unlimited Sahara, na nagkakahalaga umano ng P5.2 million. Meron itong sunroof, voice command feature, car seat heaters, at  waterproof interior.

Sa kanyang Instagram account, ipinost di niya ang kanyang litrato with her new car na may caption na, “Meet my new personality. This year is all about upgrade. Grabe parang dati lang po naka-pin lang ‘tong kothe na ‘to sa Pinterest ko tapos ngayon mag-skrt skrt na ko with it. Huhu.”

Bago bumili ng mamahaling sasakyan si Mimiyuuuh ay nag-aral muna siyang mag-drive at nang makuha na nga niya ang kanyang driver’s license ay nagdesisyon na siyang bilhin ang kanyang dream car.

Ilan sa mga pinagpilian niya ay Chevrolet Suburban, a Chevrolet Trailblaizer, a Peugeot 2008 SUV, at iba pa pero ang talagang nagustuhan niya ay ang Jeep Wrangler Unlimited Sahara.

Mensahe pa niya sa lahat ng kanyang tagasuporta na nangangarap din makabili ng mga bagay na gustung-gusto nila, “You can actually achieve anything you want if you put your mind into it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna!

Mimiyuuuh aminadong ‘normal day’ lang noon ang Pasko: Hindi po kami nakakapag-celebrate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending