Mimiyuuuh dinala ang pamilya sa Palawan: Natupad ko po ang isa sa mga goals ko this year! | Bandera

Mimiyuuuh dinala ang pamilya sa Palawan: Natupad ko po ang isa sa mga goals ko this year!

Pauline del Rosario |April 23,2023
facebook
share this

Mimiyuuuh dinala ang pamilya sa Palawan: Natupad ko po ang isa sa mga goals ko this year!

Pauline del Rosario - April 23, 2023 - 02:17 PM

Mimiyuuuh dinala ang pamilya sa Palawan: Natupad ko po ang isa sa mga goals ko this year!

PHOTO: Instagram/@mimiyuuuh

MASAYA ang YouTube vlogger na si Mimiyuuuh dahil natupad na ang isa sa mga travel goals niya para sa taong 2023.

Ito ay ‘yung madala ang kanyang buong pamilya sa El Nido, Palawan.

Sa ibinanderang YouTube video nitong April 22, ipinasilip ng social media star ang naging bakasyon kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ama.

Ipinakita niya ang ilang activities na kanilang ginawa, tulad ng island-hopping, snorkeling, kayaking, pati na rin ang salu-salo nilang pagkain habang tanaw ang magandang view ng beach.

Naikwento pa ni Mimiyuuuh sa video na ito na ang ikalawang beses na nagpunta sa nasabing lugar.

“Actually, kung napanood niyo po ang El Nido vlog ko, dito ako nag-stay ‘nun,” chika niya sa video.

Kwento niya, “Pero kasi I want my family po to experience itong hotel na ‘to. Dito po ako talagang nakapag-recharge noon during na feeling ko I’m super burned out.”

Baka Bet Mo: Celebs apektado sa hugot ni Mimiyuuuh: ‘Kakapagod rin po mag-motivate, kayo naman mag-motivate sa akin para it’s a tie’

Sa pamamagitan naman ng Instagram post ay ibinandera niya ang kanilang family picture, pati na rin ang ilang happy moments.

Sinabi pa ng social media star na nag-enjoy siya, lalo na’t natupad ang isa sa kanyang mga pangarap.

Saad sa kanyang caption, “Natupad ko po ang isa mga goals ko this year, to travel with my whole family!”

“Sobrang nag-enjoy kami lalong lalo na sila inay at tatay! TO MORE TRAVELS FOR US! Sana next year sa ibang bansa naman hihi!,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

Taong 2019 nang magsimulang sumikat si Mimiyuuuh dahil sa kanyang “Dalagang Filipina” challenge.

As of this writing, mayroon na siyang mahigit 4.42 million subscribers sa YouTube.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Bakit biglang nag-sorry si Julia sa host ng online show habang ini-interview?

COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending