Mimiyuuuh nag-sorry sa fans ng BLACKPINK: Hindi na po mauulit... Bandera

Mimiyuuuh nag-sorry sa fans ng BLACKPINK: Hindi na po mauulit…

Ervin Santiago |March 31,2021
share this

Mimiyuuuh nag-sorry sa fans ng BLACKPINK: Hindi na po mauulit…

Ervin Santiago March 31, 2021 - 10:25 AM

NAG-SORRY ang vlogger at internet sensation na si Mimiyuuuh sa lahay ng tagasuporta ng Korean all-girl group na BLACKPINK, lalo na sa fans ng member nitong si Rosé.

Isang public apology ang agad na inilabas ng sikat na social media influencer matapos umani ng batikos at hate messages mula sa netizens.

Ito’y matapos maglabas ng vlog si Mimiyuuuh sa kanyang YouTube channel kung saan ginaya niya ang idol niyang BLACKPINK member na si Lisa Manoban.

Sa nasabi kasing video na may titulong “Mimiyuuuh as Lisa Manoban for a day,” at in-upload nitong nagdaang Sabado, may mga eksena kung saan pabirong inokray-okray ng komedyante ang ilang members ng Blackpink.

Pahayag ni Mimiyuuuh sa isa niyang pinned comment sa YouTube, “Hi guys! I hope you are all safe and sound! I deleted the parts that are offensive especially to Rosé and her fans. I did not mean to offend anyone!

“This video was supposedly made purely for entertainment but I overlooked some skits that may upset the blinks.

“It doesn’t change the fact that I love these girls. I’m so sorry and this will never happen again. Take care and keep safe!” ang bahagi pa ng kanyang public apology.

Ipinost din niya ito sa kanyang official at verified Twitter at Facebook account.

Hindi man binanggit ni Mimiyuuuh kung anu-anong bahagi ng vlog ang tinanggal niya, ang paniniwala ng kanyang subscribers ito yung mga eksena kung saan may mga sinabi siyang hindi maganda tungkol kay Rosé.

Kabilang na rito ang biro ng vlogger na nagkaroon daw ng kuto ang BLACKPINK member dahil sa pagpapakulay lagi ng kanyang buhok na ikinagalit ng mga fans.

Hindi rin nagustuhan ng ilang supporters ng K-pop group ang dialogue ni Mimiyuuuh na “saks lang” o “sakto lang” patungkol sa album ni Rosé. Tinawag din niyang “kawawa” ang Koreana.

Samantala, sinagot din ni Mimiyuuuh sa pamamagitan ng isang selfie video sa Instagram ang mga nagsasabing ginagamit daw niya ang grupo “just for clout.”

“Girl, I’ve been here since ‘Whistle’ and ‘Boombayah.’ I’ve been supporting them since,” depensa ng vlogger na ang tinutukoy ay ang debut single ng BLACKPINK na ni-release noong 2016.

Kahapon, inilabas namin dito sa BANDERA ang ilang bahagi ng vlog ni Mimiyuuuh. Aniya, “Super fan po talaga ako ng BLACKPINK especially si Ate mong Lisa. And ang rami talagang nakakapansin parang si Mimi may hawig siya kay Lisa.

“Pero hindi ko rin kayo masisisi kasi nakikita ko rin naman kapag tumitingin ako sa salamin na parang homaygad kala ko si Lisa nasa bahay namin. Ako lang pala.

“Sa visuals, sa talent, sa bangs, parang I see myself in her. Ganyan. Ang rami rin talagang nagko-comment sa aking mga videos. ‘Huy, Mi. Gawin mo naman. Maging Lisa ka for a day.’ Ganyan.

“Sa sobrang daming nagre-request, ‘yung iba hindi na makatulog. Naaaawa na ako. Anlalaki na ng eyebags. Pero ayan, patutulugin ko na po kayo,” pagpapatawa pa ni Mimiyuuuh.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending