Lovi, Coco makikisaya sa show sa Milan ng 'ASAP Natin 'To'

Lovi Poe, Coco Martin makikisaya sa show sa Milan ng ‘ASAP Natin ‘To’; Jane, JC, Ria, Tony may matinding tapatan sa ‘Nag-Aapoy Na Damdamin’

Regee Bonoan |September 08,2023
facebook
share this

Lovi Poe, Coco Martin makikisaya sa show sa Milan ng ‘ASAP Natin ‘To’; Jane, JC, Ria, Tony may matinding tapatan sa ‘Nag-Aapoy Na Damdamin’

Regee Bonoan - September 08, 2023 - 07:14 PM

Lovi Poe, Coco Martin makikisaya sa show sa Milan ng 'ASAP Natin 'To'; Jane, JC, Ria, Tony may matinding tapatan sa 'Nag-Aapoy Na Damdamin'

PHOTOS: Instagram/@lovipoe;Screengrab from Instagram/@janeoineza

INAKALA naming pabalik na ng United Kingdom ang aktres na si Lovi Poe pagkatapos niyang mag-post na nasa eroplano siya at may hawak na wine glass.

Ang caption niya, “Cheers to life+work balance (emojis airplane). Yes, kayang i-achieve…puyat ka nga lang #LabanLovi”,  at may nakalagay na “see you soon Milan, (emoji heart). Don’t know how I’m doing this, but yes laban Lovi.”

Oo nga pala, kasama siya sa show ng “ASAP Natin ‘To” na mangyayari sa Milan, Italy sa Setyembre 10, Linggo sa Pilipinas kasama ang kanyang leading man sa “FPJ’s Batang Quiapo” na si Coco Martin.

Nag-post siya na naglalakad sila ni Coco Martin habang nasa airport pasakay sa eroplano.

Ang caption ni Lovi sa larawan nila ni Coco na pinost niya, “Back in the arms of my tagapagTanggol (emoji heart) #ASAPMilan #ASAPMilan2023 #RoadtoASAPNatinToMilan.”

Baka Bet Mo: Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe Blencowe (@lovipoe)

At sa kanyang Instagram stories ay nasa isang kuwarto sila ni Coco na may pinapanood sa cellphone habang naghihintay ng connecting flight.

May post din ang aktres na naglalakad at sabay sabing, “okay guys konting kembot na lang at malapit na kami sa Milan at sobrang excited na akong makasama ang ASAP family.”

Habang nakasakay sa business class ay ipinakita niyang may pinapanood ang aktres, “catching up on some Kdrama, it’s been a while (sabay inom ng white wine).”

Samantala, may mga nabasa kaming komento ng ilang netizens na hindi sila pabor sa actress-vlogger na si Ivana Alawi na bagong makakasama ni Tanggol sa serye.

Mula kay @auntiesesay , “I don’t like Ivana . Mokang pa rin. If lovi exit I’ll stop watching na.”

Sinundan ni @nec1176, “nood ulit Ng Batang Quiapo bumalik kana Mokang.”

Sabi rin ni @arlvllvcnc, “Can’t wait sa pagkikita muli ni Mokang at Tanggol. Avid fan here.”

Aliw ang sabi ni @a_minems, “Ay level up sina Mokang at Tanggol, nakapag-Milan na!”

Halos lahat ng nabasa namin ay Mokang at Tanggol ang gusto at avid viewers daw sila ng “Batang Quiapo.”

May komento ring sana magpalit na ng t-shirt niya si David played by McCoy de Leon dahil ilang araw na itong napapanood na iisa ang suot baka raw maglakad na ito papuntang washing machine.

***

Lalong nag-iinit ang panghapong teleserye na “Nag-Aapoy Na Damdamin” dahil sa nalalapit na paghaharap ng mga bida nitong sina Jane Oineza (Olivia/ Claire), JC De Vera (Philip), Ria Atayde (Melinda), at Tony Labrusca (Lucas) kung saan unang masisilayan ni Lucas si Claire bilang asawa na ngayon ng mortal niyang kaaway na si Philip.

“Pa-intense pa nang pa-intense. Ito na ‘yung tapatan talaga naming apat. Nandiyan na yung sagad na gantihan,” pagbabahagi ni Jane.

Kwento rin ng Kapamilya actress, bagamat naging mabuti siyang asawa ni Philip, handa na siya ngayong gawin ang lahat para manumbalik ang kanyang alaala kahit pa itago niya ito sa asawa.

Aniya, “Lalabas na unti-unti ‘yung alaala ko. Lalabas na rin ‘yung pagiging palaban ni Claire as a person.”

Guguho naman ang relasyon ng mag-asawang Buencamino dahil sa mangyayari na ang pinaka-kinakatakutan ni Melinda.

“Ayun na nga, ito na nga yung pinaka-ayaw na mangyari ni Melinda so nandito na tayo. So ngayon, Melinda will try to do whatever she can para ma-preserve yung marriage nila ni Lucas,” kwento ni Ria.

Para kay Tony, panibagong paghihirap ang haharapin ng kanyang karakter bilang Lucas sa pagkikita nila ni Claire.

“Mawawala na naman si Lucas sa sarili niya kahit ayaw rin naman niyang sadyang saktan si Melinda,” saad ni Tony.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JRB Creative Production (@jrbcreativeproduction)

Sa bagong kabanata ng teleserye, maiipit naman si Philip sa dalawang mahalagang bagay sa buhay niya, ayon kay JC.

“Sa lahat ng paghihiganting ginagawa ko ngayon, nakaramdam ako ng sobra-sobrang pagmamahal kay Claire na hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko, revenge pa rin sa mga Buencamino o ipagpatuloy ang pagmamahal kay Claire. Si Philip ngayon caught up in the middle siya,” paliwanag ni JC.

Abangan ang matinding tapatan sa “Nag-Aapoy Na Damdamin,” Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong timeslot na 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Heart Evangelista nagsalita na sa chikang ‘inisnab’ daw niya si Vicki Belo sa Milan Fashion Week: ‘Hindi ko naman siya nakita…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending