Coco Martin 'sinasaniban' ni FPJ sa taping ng 'Batang Quiapo', sey ni Janice Jurado kay Lovi Poe | Bandera

Coco Martin ‘sinasaniban’ ni FPJ sa taping ng ‘Batang Quiapo’, sey ni Janice Jurado kay Lovi Poe

Ervin Santiago |September 05,2023
facebook
share this

Coco Martin ‘sinasaniban’ ni FPJ sa taping ng ‘Batang Quiapo’, sey ni Janice Jurado kay Lovi Poe

Ervin Santiago - September 05, 2023 - 07:30 AM

Coco Martin 'sinasaniban' ni FPJ sa taping ng 'Batang Quiapo', sey ni Janice Jurado kay Lovi Poe

Lovi Poe, Coco Martin at Fernando Poe, Jr.

MARAMING pagkakapareho ang yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. at ang Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin.

Yan ang ibinandera ng beteranang aktres at dating sexy star na si Janice Jurado nang matanong tungkol sa mga katangian ni Coco bilang aktor at direktor at ng tinaguriang Hari ng Aksyon.

Ayon kay Janice na isa sa mga veteran stars na napapanood sa “FPJ’s Batang Quiapo”, parang “sinasaniban” daw ni FPJ si Coco kapag pinagmamasdan niya habang umaakting at nagdidirek.

Naikuwento ng beteranang aktres ang tungkol dito sa latest vlog ng broadcast journalist at news anchor na si Julius Babao sa kanyang YouTube channel na “Unplugged.”

Dito, naitanong ni Julius kay Janice kung paano niya ilalarawan ang pagkakapareho o pagkakaiba nina FPJ at Coco pagdating sa pagdidirek at pagtrato sa mga katrabaho.

Baka Bet Mo: Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa

Sagot ni Janice, parehong walang script-script kapag nagdirek ang dalawang premyadong aktor pero kapag nag-take na at rumolyo na ang mga camera ay parang nagiging Halifax na sa sobrang galing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Walang pagkakaiba, minsan nakaupo ‘yan, sa malayo. Yung upo ni FPJ na nakaganu’n (minuwestra ang posisyon).

“Sabi ko kay Lovi (Poe, leading lady ni Coco sa Batang Quiapo), ‘Lovi, Lovi, tingnan mo si Coco oh, parang tatay mo.’ May mga salita at tayo (tindig) siya na parang si FPJ. Para siyang nasasaniban. Para siyang nasasaniban,” paulit-ulit na sabi ni Janice.

Ang pagkakaiba lang daw, kapag nagbigay ng instructions si FPJ sa mga artista ay malumanay habang si Coco naman daw ay with matching actions na.

Ang isa pang pagkakapareho nina FPJ at Coco ay ang matinding respeto nila sa mga seniors stars. Nakikita raw talaga niya si Coco na lumalapit sa mga nakatatanda para i-check kung okay ang mga ito.

Kasunod nito, dinenay din ni Janice na tsinugi na siya sa “Batang Quiapo” matapos ang kanyang rebelasyon tungkol sa naging relasyon umano nila noon ni FPJ.

Ayon kay Janice, hindi siya napapanood sa serye dahil pansamantalang nawala si Lovi dahil nga ikinasal ito sa United Kingdom bukod pa kay Toni Fowler na absent din sa programa.

Dingdong, Mikael maraming pagkakapareho; gumanap na Carlos Miguel sa ‘Sana’y Ikaw Na Nga’, naging asawa rin si ‘Marimar’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending