Dingdong, Mikael maraming pagkakapareho; gumanap na Carlos Miguel sa ‘Sana'y Ikaw Na Nga', naging asawa rin si 'Marimar' | Bandera

Dingdong, Mikael maraming pagkakapareho; gumanap na Carlos Miguel sa ‘Sana’y Ikaw Na Nga’, naging asawa rin si ‘Marimar’

Ervin Santiago |March 23,2023
facebook
share this

Dingdong, Mikael maraming pagkakapareho; gumanap na Carlos Miguel sa ‘Sana’y Ikaw Na Nga’, naging asawa rin si ‘Marimar’

Ervin Santiago - March 23, 2023 - 04:03 PM

Dingdong, Mikael maraming pagkakapareho; gumanap na Carlos Miguel sa ‘Sana'y Ikaw Na Nga', naging asawa rin si 'Marimar'

KNOWS n’yo ba mga ka-BANDERA na maraming pagkakapareho ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at ang actor-TV host na si Mikael Daez?

Well, aside sa pagiging gwapo, mabait na asawa, professional sa trabaho at magaling na artista, may ilan pa silang pagkakapareho when it comes sa kanilang personal life.

Nag-aral sa Ateneo sina Dingdong at Mikael, at parehong letter D ang simula ng kanilang surname.

Aside from this, mismong si Dingdong na rin ang nagbahagi sa kanyang Instagram account ng ilan pang fun facts about him and Mikael.

Ang caption ni Dong sa litrato nila ng kapwa Kapuso actor na ibinahagi niya sa IG, “In the GMA Multiverse, these two Mr. D’s played Carlos Miguel in ‘Sana Ay Ikaw Na Nga.’”

Bumida ang award-winning Kapuso actor sa nasabing serye noong 2001 habang si Mikael naman ang lead actor sa 2012 version nito.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann inalala ang hindi nakuhang ‘Marimar’ role, umaming humagulgol nang bonggang-bongga

Pagpapatuloy pa ni Dingdong sa kanyang IG post, “In real life, they also share the coincidence of marrying Marimars.” Sinundan pa niya ito ng winky-eyed emoji.

Sa mga hindi pa masyadong aware, amg asawa ni Dingdong na si Marian Rivera ang gumanap na Marimar noong 2007, habang si Miss World Megan Young naman ang nag-reprise ng nasabing iconic role noong 2015.

At ngayon nga ay magkakasama na sina Mikael at Dingdong sa upcoming Kapuso mystery-drama series na “Royal Blood” kung saan makakasama rin nila si Megan, Rhian Ramos, Rabiya Mateo at Tirso Cruz III.

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Ang iba pang ka-join sa nasabing GMA series ay sina Dion Igancio, Lianne Valentin, Benjie Paras, Arthur Solinap at marami pang iba. Mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Marian binalikan ang audition sa Marimar, reaksyon nang makita si Dingdong: Ano ba ‘yan, mukhang kambing naman ‘tong lalaking ‘to!?

Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-‘OMG!’; may rebelasyon habang ginagawa ang ‘Marimar’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending