Marian binalikan ang audition sa Marimar, reaksyon nang makita si Dingdong: Ano ba 'yan, mukhang kambing naman 'tong lalaking 'to!? | Bandera

Marian binalikan ang audition sa Marimar, reaksyon nang makita si Dingdong: Ano ba ‘yan, mukhang kambing naman ‘tong lalaking ‘to!?

Ervin Santiago |April 10,2022
facebook
share this

Marian binalikan ang audition sa Marimar, reaksyon nang makita si Dingdong: Ano ba ‘yan, mukhang kambing naman ‘tong lalaking ‘to!?

Ervin Santiago - April 10, 2022 - 07:04 AM

Marian Rivera at Dingdong Dantes

WALANG “spark” ang unang pagkikita up close and personal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang maganap ang audition para sa Philippine adaptation ng Mexicanovela na “Marimar” noong 2007.

Pag-amin ng Kapuso Primetime Queen, talagang trabaho lang ang ginawa nila ni Dingdong nang ibigay sa kanila ng GMA 7 ang “Marimar”  15 taon na ngayon ang nakararaan.

Inalala ng TV host-actress sa isang panayam ang naging audition niya sa “Marimar” na unang pinagbidahan ng Mexican actress-singer na si Thalia.

Sa pakikipagchikahan ni Marian sa celebrity hairstylist na si Celeste Tuviera sa YouTube vlog nito, naikuwento nga niya ang mga naging kaganapan sa nasabing audition.

“Noong nag-meet kami (ni Dingdong) kasi unang-una kita ko sa kanya is audition ng Marimar. Wala akong inisip nu’n kundi ibigay ‘yung best ko, kung ano ang hinihingi sa akin ng direktor —sumayaw, umarte, mag-project. Focus talaga ako,” pagbabalik-tanaw ni Marian.

Sey ng misis ni Dong, talagang ang focus niya nu’ng araw na yun ay ang makuha ang role bilang Marimar,  “’Yun talaga ang pinunta ko doon. Hindi ‘yung, ‘ay ang cute nu’ng leading man.’ Ay, walang ganu’n.”

“Focus ako sa audition, ito ang gusto ko, pinasok ko ito, kailangang makuha ko ‘to.

“First time kong mag-bathing suit sa buong buhay ko na ganu’ng katinding daring na talagang two-piece. So, ginawa ko ‘yun for the audition, as in, go with the flow,” chika pa ng mommy nina Zia at Ziggy Dantes.

Tandang-tanda pa nga raw ni Marian ang naging comment niya tungkol sa itsura ni Dingdong nang una silang magkita para sa audition ng “Marimar.”

“Ang haba kasi ng bigote ni Dong noon. Sabi ko, ‘ano ba naman ‘yan mukhang kambing naman ‘tong lalaking ‘to.’ Kambing talaga tawag ko sa kanya, tapos kasi ang haba ng bigote niya,” natatawang pahayag pa ng celebrity mommy.

Kasunod nga nito, inamin ng Kapuso star na wala siyang naramdamang spark nang una niyang ma-meet nang personal Dingdong, dahil nga ang focus ng atensiyon niya ang kanilang trabaho.

Paliwanag ni Marian, “Wala e ‘yung emosyon wala sa kanya, nasa karakter ako na kailangan maarte ko, kailangan may rapport kami dalawa, kailangan maging okay kami on-screen. Basta ibibigay ko na lang ‘yung best ko.

“So talagang wala siya, out. Hanggang sa nag-Marimar kami, sabihin na lang natin na trabaho-trabaho kaming dalawa.

‘Wala kaming space for, ‘ay ang cute niya. Ay ang ganda niya.’ Wala kaming space na dalawa,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Kung matatandaan, bago nakuha ni Marian ang role as Marimar, balitang si Angel Locsin ang napipisil ng GMA para sa nasabing proyekto pero tinanggihan umano ito ng aktres dahil daw sa problema sa schedule.

Ang iba pang Kapuso stars na balitang nag-audition din para sa “Marimar” ay sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Ryza Cenon, Karylle, Valerie Concepcion, Camille Prats, Nadine Samonte at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa ‘Darna’ series

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending