Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-'OMG!'; may rebelasyon habang ginagawa ang 'Marimar' | Bandera

Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-‘OMG!’; may rebelasyon habang ginagawa ang ‘Marimar’

Ervin Santiago |January 24,2023
facebook
share this

Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-‘OMG!’; may rebelasyon habang ginagawa ang ‘Marimar’

Ervin Santiago - January 24, 2023 - 08:06 AM

Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-'OMG!'; may rebelasyon habang ginagawa ang 'Marimar'

Marian Rivera at Dingdong Dantes

NAKAKALOKA ang mga rebelasyon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa unang pasabog na episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7.

Si Marian ang special guest ng King of Talk na si Boy Abunda sa pilot episode ng kanyang “FTWBA” na nagsimula na kaninang hapon, bago mag-“Family Feud” ni Dingdong Dantes.

In fairness, napakarami pang natuklasan ng mga manonood sa panayam ni Tito Boy sa wifey ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes kahit na bitin na bitin ang 20 minutong pagchichikahan nila.

Sa isang bahagi ng programa ay naikuwento ng mama nina Xia at Sixto Dantes ang ilang mga kaganapan sa kanila ni Dingdong nang gawin nila ang  Philippine adaptation ng Mexicanovela na “Marimar” noong 2007.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


At kahit nga 16 years na ngayon ang nakararaan mula nang magbida sila sa “Marimar” ay tandang-tanda pa rin ng actress at TV host ang mga araw na hindi sila nagpapansinan ni Dingdong sa taping.

Pagbabalik-tanaw ni Marian, napikon daw siya sa sinabi noon ni Dong na pre-paid daw siguro ang cellphone niya dahil hindi siya sumasagot sa text.

“Medyo hindi kami magkasundo sa Marimar. Hindi kami nagpapansinan. Maldita kasi ako, e.

“Noong time ng Dyesebel [2008], nasabi niya sa akin, ‘Ang suplada mo naman. Tine-text kita, bakit hindi ka nagre-reply? Siguro naka-prepaid ka lang?’

“Nagalit talaga ako kasi yung totoo, naka-prepaid ako. E, nasa isla kami sa Palawan, so bumili ako ng maraming cards.

“Kapag wala na akong card (load), pumupunta ako sa dulo, nagkakaskas ako para mag-load. Kaya nu’ng sinabi niya na ‘Siguro, naka-prepaid ka…’ kasi totoo na naka-prepaid ako.

“Kaya sabi ko, kapag sumuweldo ako, after nito, magla-line na ako, kaya naka-line na ako noon after,” pag-alala pa ni Marian sa pagsisimula ng naging relasyon nila ni Dingdong bilang magka-loveteam.

Samantala, shookt naman si Tito Boy sa naging sagot ng celebrity mom sa “Fast Talk” segment ng programa nang tanungin kung kailan nagiging seksi ang kanyang pakiramdam.

Sey ni Marian, sa tuwing hinahalikan daw ng kanyang asawa ang mga paa niya. Reaksyon ni Tito Boy, “Oh my God!”

Ang tugon naman ng aktres kung anong ugali niya ang ayaw niyang manahin ni Xia, ito raw ay ang kanyang pagiging “maldita”.

Ang “Fast Talk With Boy Abunda” ang unang show ng award-winning TV host sa GMA 7 makalipas ang 23 taon. At in fairness, talagang tinutukan ito ng mga manonood kaya naman mabilis itong naging trending topic sa social media.

#Awwww: Thalia binalikan ang tagumpay ng ‘MariMar’, muling isinuot ang iconic OOTD sa beach

Rebelasyon ni Sharon: Hindi talaga pwedeng humingi sa akin ng wallet, dahil…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian binalikan ang audition sa Marimar, reaksyon nang makita si Dingdong: Ano ba ‘yan, mukhang kambing naman ‘tong lalaking ‘to!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending