#Awwww: Thalia binalikan ang tagumpay ng ‘MariMar’, muling isinuot ang iconic OOTD sa beach
PINUSUAN at ni-like nang bonggang-bongga ng mga Pinoy fans ang latest photo at video ng Mexican actress na si Thalia.
Ibinandera ni Thalia na 50 years old na ngayon, ang kanyang mga litrato na kuha sa isang beach suot ang kanyang iconic na damit na ginamit sa kanyang teleserye na “MariMar” na napanood noong 1994.
Kamakalawa, August 1, talagang nagpa-pictorial ang aktres sa tabing-dagat na kaparehong-kapareho sa beach kung saan kinunan ang ilang iconic scenea sa “MariMar.”
Ayon kay Thalia, ang damit na suot niya sa video ay ang original dress na ginamit niya sa kanyang hit series 28 years ago. At in fairness, parang bagung-bago pa rin ang damit kahit halos tatlong dekada na ang nakararaan.
“In my wildest dreams I never would have imagined that this character would be a part of me during my lifetime. And of course with good reason, since I put all my heart, passion and my personal style of how to create my ideal Costeñita that is to say, a real part of my person is reflected forever in each scene that we film.
“What I felt at the moment in which I began to characterize myself once again, but more than 20 years later, made me cry with joy and remember an avalanche of unforgettable moments,” pahayag ni Thalia.
Ang “MariMar” ay mula Televisa ng Mexico, na umere noong January hanggang August, 1994.
Noong 1996, naging instant star sa Pilipinas si Thalia nang ipalabas naman ang Tagalized version ng “MariMar” sa RPN-9. Talagang sumikat nang bonggang-bongga ang nasabing Mexicanovela sa bansa.
Ang “MariMar” ang nakakuha ng all-time high rating na 61.7% sa Pilipinas base sa survey ng AGB Nielsen.
Hanggang ngayon ay todo ang pasasalamat ni Thalia dahil love na love pa rin ng mga Pinoy si MariMar at ang iba pang karakter na pinasikat niya sa mga nagawang teleserye.
Kung matatandaan, dahil sa phenomenal success ng “MariMar” itinapat dito ng ABS-CBN ang kanilang classic soap opera na “Mara Clara” (nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes) habang inilaban naman ng GMA 7 ang kanilang “Villa Quintana” (nina Keempee de Leon at Donna Cruz).
Kasunod nito, dalawang serye ni Thalia ang ginawan nila ng Tagalized version, ang “Maria Mercedes” noong 1996 at “Rosalinda” taong 1999.
In-acquire naman ng GMA noon ang mga Mexican drama na “Agujetas de Color de Rosa” at “Pobre Nina Rica.” Ilang beses din nilang ipinalabas ang “MariMar”.
At noong 2007, ginawan ng Pinoy version ng GMA ang “MariMar” na pinagbidahan ni Marian Rivera at ni Dingdong Dantes na siyang naging daan para hirangin siyang “Primetime Queen.”
Taong 2015 naman nang gawan ng GMA ng isa pang version ang “MariMar” kung saan bumida naman si Miss World 2013 Megan Young.
https://bandera.inquirer.net/310365/marian-binalikan-ang-audition-sa-marimar-reaksyon-nang-makita-si-dingdong-ano-ba-yan-mukhang-kambing-naman-tong-lalaking-to
https://bandera.inquirer.net/286346/bea-na-shock-sa-pasabog-ng-nanay-stepdad-kapatid-at-sister-in-law-sa-compatibility-game
https://bandera.inquirer.net/285303/heart-nagbilad-ng-kaseksihan-sa-beach-mukha-kang-angel-mermaid
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.