Andi Eigenmann inalala ang hindi nakuhang ‘Marimar’ role, umaming humagulgol nang bonggang-bongga | Bandera

Andi Eigenmann inalala ang hindi nakuhang ‘Marimar’ role, umaming humagulgol nang bonggang-bongga

Pauline del Rosario |January 22,2023
facebook
share this

Andi Eigenmann inalala ang hindi nakuhang ‘Marimar’ role, umaming humagulgol nang bonggang-bongga

Pauline del Rosario - January 22, 2023 - 02:45 PM

Andi Eigenmann inalala ang hindi nakuhang ‘Marimar’ role, umaming humagulgol nang bonggang-bongga

PHOTO: Instagram/@andieigengirl

MAY ibinahagi na alaala ang aktres na si Andi Eigenmann tungkol sa isang role na hindi niya nakuha noong dalaga pa siya at aktibo pa sa showbiz.

Ito ay matapos mag-comment sa kanyang latest Instagram post ang isang netizen na sinabing parang siyang si “Marimar.”

Ibinandera pa mismo ito ng aktres sa kanyang Instagram Stories at tila tinatawanan ang nangyari sa kanya noon.

Ikinuwento nga niya na hindi siya nag-audition sa ginawang Philippine adaptation ng “Marimar” pero humagulgol siya ng iyak nang malaman na hindi siya ang bibida.

Sey niya, “Fun fact: I cried so hard when I didn’t get cast as Marimar. (FYI, I was so young and I didn’t even audition) (same with Dyesebel!), but you get it!”

Pero ngayon daw ay mala-Marimar at Dyesebel ang kanyang kasalukuyang buhay sa isla.

“And now, here I am living that ‘Marimar’ and ‘Dyesebel’ and ‘Marina’ life in real life!” she added, referring to the local mermaid characters. “Manifestation is real!,” sabi niya.

Matatandaan noong 2017 nang pinagbidahan ng aktres na si Marian Rivera ang local adaptation ng nasabing Mexican telenovela.

Taong 2015 ay nagkaroon ulit ng adaptation ang “Marimar” na kung saan ay si Megan Young naman ang bumida.

Mula pa noong 2018 ay naninirahan na sa isla ng Siargao si Andi kasama ang fiancé na si celebrity surfer Philmar Alipayo, at mga anak na si Lilo at Koa.

Pati na rin ang anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie.

Bukod sa pamilya, pinagkakaabalahan din ni Andi sa Siargao ang kanilang negosyo na surfing school at snack bar.

Related chika:

Empoy: Diretso po ako ng CR at doon ako humagulgol nang humagulgol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian binalikan ang audition sa Marimar, reaksyon nang makita si Dingdong: Ano ba ‘yan, mukhang kambing naman ‘tong lalaking ‘to!?

#Awwww: Thalia binalikan ang tagumpay ng ‘MariMar’, muling isinuot ang iconic OOTD sa beach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending