Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa | Bandera

Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa

Therese Arceo |October 19,2021
facebook
share this

Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa

Therese Arceo - October 19, 2021 - 02:23 PM

Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa

NALOKA ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa talamak na isyu ng pangangaliwa na nangyayari ngayon.

Naikuwento niya ito sa nang bisitahin siya ni Ogie Diaz sa dressing kasama ang magkapatid na sina Gelli at Janice de Belen.

Naitanong kasi ni Ogie kung may plano siyang pumasok sa politika o kung may kumukuha ba sa kanya para tumakbo.

“Marami nang kumukuha sa akin bilang konsehal, party-list… and talagang sabi ko, hindi.

“Nag-eenjoy ako sa buhay showbiz and ako naman, ayokong pumasok sa isang bagay na alam kong hindi ko magagawa ‘yung best ko,” sagot ni Ruffa.

Kung papasok raw siya sa politika, nais niyang maging representative ng Pilipinas sa ilalim ng Department of Tourism o kaya nama’y Department of Foreign Affairs dahil mas bagay sa kanya ang position na ‘yun at akma sa knowledge na mayroon siya.

“Ay, first lady na lang,” habol pa ni Ruffa.

Sey pa niya, kung papasok ka sa politika ay dapat alam mo ang ginagawa mo.

“When I was a kid kasi, my dream is to become a congresswoman. I really want to file the Divorce Bill and I want to create laws for women and children based sa experience natin sa Reina ngTahanan,” pag-amin nito.

Ang “Reina ng Tahanan” ay isa sa mga segment ng noontime show na “It’s Showtime” kung saan isa si Ruffa sa mga judges.

Dito rin niya naikuwento na dahil sa naturang segment ay nalalaman niya na napakaraming mga kabit at mga taong nangangaliwa.

Dito ay sumingit rin si Janice de Belen at ikinuwento ang sinabi ni Ruffa sa kanya.

“Oh my God, Ate Janice! Kaya ayaw ko nang mag-asawa e,” umpisa ni Janice.

“Di ba mayayaman lang ang nangangaliwa? Ngayon pati mahihirap, pati mga bungi, mga pangit.

“Yung guest nating isang tatay dito, nangaliwa siya. Bungi siya, nangaliwa pa siya!” kuwento ni Janice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabihan pa nga raw ni Ruffa ang ReiNanay contestant na maghanap ng matino at ‘yung may ngipin naman daw.

Karagdagang ulat:
Janice sinabi na ang totoo tungkol sa ‘secret affair’ nila ni Gerald
Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending